Skip to main content

LGU LINGAYEN NAKIISA SA INTERNATIONAL COASTAL CLEAN UP

Matagumpay ang isinigawang Barangay at Kalinisan Day (BarKada) ng lokal na pamahalaan ng Lingayen bilang pakikiisa sa International Coastal Clean Up drive ngayong araw, ika-16 ng Setyembre 2023, sa kahabaan ng Lingayen Gulf na sinimulan din sa pamamagitan ng isang Zumba exercise.
Nakiisa sa aktibidad ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail and Management and Penology(BJMP), mga Barangay Councils na sakop ang baybayin ng Lingayen, Bantay Kalikasan, Lingayen Baywalk Vendors Association, mga kawani ng lokal na pamahalaan at iba’t-ibang Civil Society Organizations (CSO’s).
Ang naturang aktibidad ay bilang pagtugon sa direktiba ng Department of Interior and Local Government (DILG) na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating mga baybayin. Ayon kay DILG Provincial Director Virgilio P. Sison, ang pagsama-sama ng lokal ng pamahalaan, barangay, ibat-ibang ahensya at mga non-governmental organization( NGO’s) ay nagpapatunay ng pagkakaisa ng mamamayan para sa kalikasan.
“We have to be aware to save and protect our coastal resources and waterways kayat ang lokal na pamahalaan with the participation of different offices and various organizations always do this one, not just on this day. Sana this will be an eye opener sa lahat ng individuals na magkaroon ng malasakit sa kapaligiran lalo sa coastal waters,” ito naman ang naging pahayag ukol sa aktibidad ni Ms. Grace Satuito, ang Municipal Environment and Natural Resources Officer ng Lingayen.
Ayon naman kay Jovy Barandia, presidente ng Lingayen Baywalk Vendors Association, ang dagat ay kanilang tahanan kayat nararapat lamang na kanila itong pangalagaan at bilang tugon ay patuloy ang kanilang pakikiisa sa programa ng lokal na pamahalaan sa pangangalaga sa kapaligiran ng Lingayen Beach.
Malugod at nagpapasalamat naman si Mayor Leopoldo N. Bataoil sa naging pagtugon ng ibat-ibang indibidwal, opisyales, at mga organisasyon na nakilahok sa aktibidad. Tinitiyak din ng alkalde na patuloy ang ginagawang aksyon at mga programa na layong protektahan ang likas na yaman lalo na ating karagatan bilang ito ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan at pagkain ng mamamayan sa bayan. (MIO/JMMangapot)
📷MIO/GcRueda/KPaulo

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan