Skip to main content

LGU LINGAYEN NAKIISA SA PAGBUBUKAS NG PISTAY DAYAT 2023 AT SELEBRASYON NG AGEW NA PANGASINAN

Buong pwersa ang mga opisyal at department managers ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na dumalo sa pagbubukas ng Pistay Dayat 2023 at selebrasyon ng 443rd Agew na Pangasinan na ipinagdiwang ng provincial government ngayong araw, ika-3 ng Abril, 2023.

Isang simple ngunit makabuluhang programa ang inihanda sa pangunguna ni Governor Ramon V. Guico, III, na nagdiriwang ng kauna-unahang Agew na Pangasinan bilang ama ng lalawigan.

Ito rin ang hudyat ng month long celebration ng Pistay Dayat at kasabay na pinasinayaan ang pagbubukas ng Pangasina Tourism and Trade 14th Expo kung saan lumahok rin ang Lingayen at iba pang bayan na nagtatampong ng kani-kanilang “One-Town-One-Product”.

Ibinida naman ng Lingayen ang pangunahin nitong produktong bagoong, gayundin ang iba pang produktong gawa rito tulad ng alamang at patis.

Magtatagal ang naturang Trade Fair at Expo hanggang sa Mayo o sa mismong araw ng kapyestahan ng dagat. Matutunghayan rin ang iba pang aktibidad tulad ng concert, sports events, Limgas na Pangasinan at iba pa sa mga susunod na araw.

Ipinahayag naman ni Mayor Bataoil ang buong suporta ng LGU at maging ng LMP Pangasinan Chapter sa ,ga programa at proyekto na tiyak na magsusulong ng kultura at turismo ng lalawigan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan