
LGU Lingayen Nakiisa sa Pagdiriwang ng World Tourism Day
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Tourism Day 2023, idinaos ngayong araw, ika-27 ng Setyembre, 2023 ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang isang Coastal Clean Up Drive sa baybayin ng Lingayen.
Ito ay sa pangunguna rin ng Lingayen Tourism and Cultural Affairs Office (LTCAO), kaisa ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Information Office (MIO), Public Employment and Services Offices (PESO) Lingayen, Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) Lingayen, Municipal Special Action Team (MSAT), Philippine National Police (PNP) Lingayen and Provincial Stations, Guardians NewHope Brotherhood International Inc. (GNBII) Lingayen Chapter, Philippine Guardians Association Incorporated, Inner Wheel Club of Dagupan (IWC) Dagupan District 379, Lingayen Baywalk Vendors Federation, Lingayen OFW Family Association (LOFA), Pangasinan Tour Operators and Travel Agencies Association(PTOTAA), at ang mga guro at estudyante ng Pangasinan State University (PSU) Lingayen- College of Tourism and Hospitality Management.
“Mayroon kaming mga activity gaya ng clean up drive sa bayan at barangay…dahil kami ay force multiplier na NGO at gusto naming makatulong, gustong naming malinis ang bayan at makita ng tao na dapat may disiplina tayo.” Ito ang pahayag ni GNBII Lingayen President ukol sa isinagawang Coastal Clean Up Drive.
Ayon naman kay Professor Josephine Rosales, Department Chair ng PSU Lingayen- CTHM, isa di umano ang coastal clean-up sa kanilang aktibidad bilang pakikiisa sa World Tourism Day at nais nilang buksan ang kamalayan ng kanilang mga estudyante sa kanilang gampanin na protektahan at ingatan ang kalikasan. Dagdag naman ni IWC Dagupan President Jen Regis Tan, isa itong “good cause” para sa kanilang samahan at ang aktibidad ay magandang aksyon para protektahan, labanan ang tumitinding epekto ng global warming, at isulong ang kalinisan lalo sa mga coastal areas.
“Tema ng selebrasyon ngayong taon ay ‘Tourism and Green Investment’, kaya naman tourism is not just for leisure and travels but hand-in hand with the environment and we do not only feature developments rather the raw beauty of our natural resources and its reservation especially the Lingayen Beach since it is one of our best asset and tourist attraction in our town and even in the province…we are all free to have fun but we encourage the locals and tourists to be responsible with the trashes when visiting a place especially our natural resources. Let us leave the footprints but bring the trash home.” Ito naman ang mensahe ni Tourism Officer Designate Michelle Z. Lioanag para sa lahat, kaugnay sa isinagawang aktibidad ngayong araw.
Tinitiyak naman ni Mayor Bataoil na patuloy ang mga programa at aktibidad ng lokal na pamahalaan para mas maisulong at mas mapaunlad ang sektor ng turismo sa bayan habang isinusulong ang isang malinis at maayos na kapaligiran. (MIO/JMMangapot)
📸MIO/DDeGuzman/DjEstrada