LGU LINGAYEN NAKIKI-ISA SA SELEBRASYON NG NATIONAL DENTAL HEALTH MONTH

Ipinagdiriwang ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen  ngayong buwan ng Pebrero ang Dental Health Month na may temang

“Brush and Floss Kontra Tooth Loss”.

Sinimulan sa isang health awareness campaign ang paggunita sa naturang programa tulad na lamang ng pagkakabit ng mga tarpaulin sa bayan.

Layunin umano nito na ipaalala sa publiko lalo na sa mga kabataan ang kahalagahan ng regular na pagsisipilyo ng ngipin.

Ayon kay Dr. Ramon Reyes, Municipal Dentist, magkakaroon din ng libreng brush at dental floss ang Municipal Health Office at ang sinumang interesado ay maaari umanong magtungo sa kanilang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes ng ala una hanggang ala singko ng hapon (1:00pm-5:00pm). 

Umaasa naman si Mayor Leopoldo N. Bataoil na magiging epektibo ang health awareness campaign ng LGU at direktang maipahatid sa mga kabataan ang pagpapahalaga sa paglilinis ng kanilang ngipin pati na ang mabuting maidudulot nito sa kanilang kalusugan. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office (075) 632-4337
Lingayen Police (075) 206-0042
Fire Department (075) 542-7080
LDRRMO (075) 633-5702
DILG Office (075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan