Skip to main content

LGU LINGAYEN NAKIKIBAHAGI SA PAGDIRIWANG NG CIVIL SERVICE MONTH

LGU LINGAYEN NAKIKIBAHAGI SA PAGDIRIWANG NG CIVIL SERVICE MONTH
Kaisa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng Serbisyo Sibil ng Pilipinas.
Ngayong buwan ng Setyembre ginugunita ang Philippine Service Anniversary na may temang “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heros”.
Ayon sa Human Resource Management Office o HRMO Lingayen, isang daang suportado ng LGU ang mga nakakasang programa ng Civil Service Commission Region 1 tulad na lamang ng Online Zumba at Film Viewing na mapapanood mismo sa kanilang official Facebook page (https://www.facebook.com/cscrehiyonuno).
Bukod pa rito, magkakaroon rin umano ng isang outreach program sa bayan ng Bolinao sa darating na Setyembre 8-9 at personal na dadaluhan ng naturang tanggapan.
Tiniyak naman ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na hindi lamang sa ganitong uri ng aktibidad makiki-isa ang lokal na pamahalaan bagkus ay ipagpapatuloy ng LGU Lingayen ang mga programa nitong may kinalaman sa serbisyo sibil.
Kabilang na dito ang pagkilala sa mga natatanging empleyado ng munisipalidad o ang Loyalty Awardees na naglilingkod at nagbibigay ng serbisyo sa loob ng maraming taon. Nariyan din ang Outstanding Employee of the Year o ang pagpaparangal sa mga kawani na patuloy na nagpapamalas ng husay sa kanilang mga ginagampanang trabaho. At ang regular din na rekognasyon sa mga kawaning bahagi ng matatagumpay na aktibidad sa bayan o pagkilala sa kanilang katapatan o natatanging kontribusyon sa komunidad.
Ayon sa alkalde, bagama’t simple lamang, ang mga ganitong uri ng hakbang ay malaking tulong na umano upang patuloy ang mga kawani na magsumikap at ibigay ang dedikasyon sa kani-kanilang trabaho alinsunod na rin sa mga alituntunin, regulasyon, at batas na nasasaklaw ng Civil Service Commission.
Ipinaabot naman ni Mayor Bataoil ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng lingkod bayan ng munisipalidad na nagsisilbi nitong katuwang sa paghahatid ng serbisyo sa mga kababayan. Aniya, ipagpatuloy lamang ang mga magagandang nasimulan upang tuluyan ng maabot at mabigyang katuparan ang mga proyekto at magagandang adhikain para sa bayan ng Lingayen. (MIO)
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan