Skip to main content

LGU PERSONNEL, SUMAILALIM SA ALL-HAZZARD INCIDENT MANAGEMENT TEAM (ICS LEVEL 4) TRAINING

Tuloy-tuloy ang pagpapaigting ng kasanayan at kahandaan laban sa mga sakuna ng mga piling kawani ng Local Government Unit (LGU) ng Lingayen.
Kaugnay nito, pinangunahan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO) ang All-Hazzard Incident Management Team (ICS Level 4 ) Training para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan na nagsimula noong ika-5 ng Agosto, 2024.
Ang pagsasanay na ito ay mahalaga upanga mapalawak pa ang kaalaman at kakayanan ng mga LGU personnel sa pagsasagawa ng Effective Incident Management Operation.
Bahagi naman ng ilang araw na training ang mga simulation exercises na pinangunahan ng Incident Management Team (IMT) na binubuo ng incident commander at general staff personnel na nakatoka sa anumang insidente o mga nakaplanong kaganapan sa bayan.
Sa pagsasanay na ito na nilahukan ng mga kawani ng iba’ t ibang ahensiya at departamento na sinanay upang maging responsable sa pagresponde, pagtukoy ng mga kakailanganing resources upang pangunahan ang mga pagtugon na kinakailangan sa anumang insidente o sakuna.
Suportado naman ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang mga pagsasanay na ibinigay sa mga empleyado ng bayan upang i-capacitate ang mga ito o ihanda sa mga di inaasahang pangyayari tulad ng mga natural o man-made calamities at makaresponde ng tama at makasalba ng buhay ng sinumang mangangailangan ng tulong sa loob man o labas ng bayan ng Lingayen. (MIO/MVR)
MIO/RCSoriano
Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan