
LIBRENG ARTIFICIAL INSEMINATION SA MGA ALAGANG KALABAW IPAGKAKALOOB NG DA-PCC
Nakatakdang magsagawa ang Department of Agriculture-Philippine Carabao Center (DA-PCC) sa pakikipag ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ng libreng artificial insemination para sa mga alagang kalabaw sa bayan.
Ang nasabing aktibidad ay naka-iskedyul na gawin sa darating na Marso 10, 11, 14 at 15 sa dalawang barangay na kinabibilangan ng Brgy. Malimpuec at Brgy. Estanza.
Ayon kay Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz, ang artificial insemination ang magandang paraan upang madaling magbuntis ang inahin o dumalagang baka at mabilis na dumami ang populasyon nito.
Libre aniya itong ibibigay ng DA-PCC kung kaya’t hinihikayat ang mga indibidwal na kunin ang nasabing oportuninad lalo na ang mga nag-aalaga ng kalabaw sa mga nabanggit na barangay.
Unang isasagawa ang hormone injection sa Brgy. Estanza sa darating na Marso 10, 2021, alas nuebe ng umaga at isusunod ang Brgy. Malimpuec sa Marso 11. Habang sa Marso 14-15 naman gagawin ang artificial insemination ng sabay sa dalawang barangay.
Sa mga interesado, mangyari lamang makipag ugnayan sa inyong mga barangay officials para sa iba pang detalye o impormasyon.
Ang gagawing aktibidad ay isa lamang sa paraan upang maisakatuparan ang hangarin ng Lokal na Pamahalaan na masiguro ang kalusugan at dekalidad na paghahayupan sa bayan ng Lingayen. (MIO)