Skip to main content

LIBRENG DENTAL CARE PARA SA MGA DAY CARE PUPILS, ISINAGAWA NG MUNICIPAL HEALTH OFFICE

Bilang pakiki-isa sa pagdiriwang ng National Dental Health Month ngayong buwan ng Pebrero, nagsagawa ang Municipal Health Office o MHO Lingayen ng libreng dental mission para sa mga day care pupils.

Dalawampu’t walong (28) bilang ng mga estudyante ang matagumpay na sumailalim sa free dental cleaning o linis ng kanilang mga ngipin.

Nagbigay din ang Municipal Health Office ng tamang gabay at pangangalaga ng bibig tulad ng palagiang pagsi-sipilyo matapos kumain, gayundin ang mga pamamaraan ng pagsipilyo at regular na pagbisita sa dentista.

Pinaalalahanan din ang mga nanay na turuan na nila ang kanilang mga anak ng tamang pag-aalaga ng kanilang oral health sa murang edad pa lamang upang masiguro ang kalusugan nito.

Naroon din upang magbigay ng paalala at inspirasyon si Mayor Leopoldo N. Bataoil para sa magulang, mag-aaral at maging sa mga medical at health workers ng bayan na katuwang sa pagpapatupad ng mga programa para sa kapakanan ng taumbayan tulad ng naturang programa.

Ang proper oral hygiene tulad ng regular na pagto-toothbrush tatlong beses sa isang araw ay malaki ang maitutulong sa pagpapanatili ng malinis at maayos na ngipin at upang makaiwas na rin sa mga sakit na posibleng maidulot nito tulad na lamang ng sakit sa puso, kanser, at diabetes.

Samantala, bukod pa rito, namahagi din ang naturang tanggapan ng tig isang kahon ng Oral Health Family Package kung saan laman nito ay ang mga sumusunod:

-1 bottle 500ml Flouride Toothpaste
-1 tube 145ml Flouride Toothpaste
-3 pieces kiddie toothbrush with a cap
-3 pieces adult toothbrush with a cap
-2 pieces Germicidal Soap

Ang pagdaraos ng oral health month ay alinsunod sa Presidential Proclamation 599 – 2004 na nagdedeklara para sa buwan ng Pebrero bilang National Dental Health Month. Layunin nitong mapagtibay ang kaalaman ng publiko pagdating sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na oral health. Tema nito kayong taon ay ‚ÄúCelebrating Decades of Healthy Smiles”.
(MIO_MRVinluan)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan