Skip to main content

LIBRENG KASALANG BAYAN MAGAGANAP SA ARAW NG MGA PUSO

LIBRENG KASALANG BAYAN MAGAGANAP SA ARAW NG MGA PUSO
Muli na namang isasagawa ng isang ‘mass wedding’ o libreng Kasalang Bayan na handog ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa darating na February 14, 2024 o sabay sa Araw ng mga Puso.
Dahil sa naging pagtangkilik ng mga Lingayenenses sa programang ito, muli na namang isasakatuparan ang pangarap ng mga magsing-irog na mapagbuklod sa ilalim ng batas nang matrimonya.
Inaanyayahan ang lahat ng magsing-irog o couples na gawin nang legal ang pag-iibigan sa pamamagitan ng pakikilahok sa gaganaping ‘mass wedding’ ngayong taon. Tuloy-tuloy ang ginagawang pagtanggap ng mga aplikante ng Local Civil Registry Office upang mabuo ang target na isang daang pares ng mga ikakasal.
Sa mga interesado, mangyayari lamang na ihanda ang mga requirements na nakasaad at dalhin sa tanggapan ng Municipal Local Civil Registrar Office.
MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO:
1.BIRTH CERTIFICATE O BAPTISMAL CERTIFICATE (LATRST PSA COPY)
2.KATIBAYAN NA HINDI PA NAKAKASAL (CENOMAR)
3.PAHINTULOT NG PAREHONG MAGULANG (18 Y.O. BUT UNDER 21 Y.O.)
4.PARENTAL ADVISE (21 Y.O. BUT UNDER 25 Y.O)
5.VALID ID NG MGA APLIKANTE
6.ISANG KOPYA NG 2X2 PICTURE
7.FAMILY PLANNING
8.MARRIAGE COUNSELING
Sa mga magkasintahang nagsasama na ng mahigit limang taon pataas (5years above) ay hindi na saklaw sa pagkuha ng marriage license.
Samu’t sari mga regalo naman ang maaaring matanggap ng mga ikakasal katulad ng:
– Singsing
– Aras
– ‘Patawin’ ng mga ninong at ninang
– Mugs
– Meal
– Cake
– Wine
– Flowers
– Souvenir Photo, atbp.
Para sa iba pang mga katanungan o karagdagang impormasyon, maaring magtungo sa tanggapan ng Tagapagtalang Sibil at hanapin si Bb. Rachel E. De Guzman sa Lingayen Municipal Hall.
Magpalista, magparehistro at kumpletuhin ang mga requirements bago ang itinakdang deadline sa ika-29 ng Enero, 2024 at sabay sabay na mag “I do” sa araw ng mga puso!

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan