Skip to main content

LIBRENG WHEELCHAIRS, IPAPAMAHAGI SA MGA PWDs SA BAYAN

Nakatakdang magpamahagi ng dalawampung (20) libreng wheelchairs ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa mga PWDs (persons with disabilities) sa bayan.

Ito’y bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 42nd National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week.

Nakaangkla ang pagdiriwang sa temang “Together we demonstrate that the rights of children, women, and senior citizens with disabilities to have access to foods, medicines and assistive devices is important to us; Prioritizing it during this COVID 19 pandemic.”

Layunin nito na magsulong ng mga programang magtataas sa kapakanan at karapatan hindi lamang mga kababaihan at kabataan ngunit maging ang mga persons with disabilities.

Ayon kay Municipal Social Welfare & Development Officer (MSWDO) Lorenza R. Decena napakahalaga nang pagdiriwang ng NDPR Week dahil ipinapaalala at iminumulat nito sa mga mamamayan ang karapatan at mga isyu ng kapansanan.

Hinihikayat din ang publiko na maging kabahagi sa pagbibigay dito ng kasagutan lalo na’t nakasaad aniya sa Magna Carta of Disabled Persons at Republic Act 9442 na may iba’t ibang pribilehiyo ang mga taong may kapansanan o PWDs.

Samantala, ipapamahagi naman umano ang mga libreng wheelchairs sa mga PWDs na matagal ng humiling at tunay na nangangailangan.

“Yong wheelchairs po, ibibigay natin sa mga matagal nang nagrequest at yong mga nangangailangan talaga” ani Decena.

Suportado naman Mayor Leopoldo N. Bataoil ang mga programang mag-aanggat sa kakayanan ng mga PWDs at nakahanda umanong tugunan ang mga pangangailangan ng mga ito sa abot ng makakaya ng lokal na pamahalaan. (MIO)

Sa bisa ng proklamasyon bilang 361 na pinirmahan ng dating Pangulong Joseph Ejercito-Estrada ay dineklara ang pag-oorganisa ng NDPRW tuwing ikatlong linggo ng Hulyo ng bawat taon kasabay ng pag-gunita sa kapanganakan ni Apolinario Mabini na tinawag na dakilang paralitiko, modelo ng mga may kapansanan at nagbigay ng malaking bahagi sa kasaysayan ng bansa. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan