Skip to main content

LIMGAS NA BALEY ED LINGAYEN 2024 QUEENS NAKIISA SA CHILDREN EMPOWERMENT AT BOOK-GIVING ACTIVITY

Bumisita sa Municipal Public Library ang dalawampu’t-limang (25) batang mag-aaral mula sa Heritage Christian School Lingayen Inc. upang makibahagi sa Storytelling and Book Giving Activity.

Sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at ni Vice Mayor Mac Dexter Malicdem katuwang ang Municipal Library, nagkaroon ng storytelling tampok ang kwentong pinamagatang “Si Emang Engkantada at Ang Tatlong Haragan” na layong himukin ang makakalikasang diwa ng kabataan.

Nakilahok sa nasabing aktibidad ang mga Limgas na Baley ed Lingayen 2024 Queens at ipinakilala sila bilang mga Reading Ambassadors. Nagbigay rin ng maikling mensahe ang mga Limgas Queens ukol sa kahalagahan ng pagbabasa lalo na sa murang edad pa lamang dahil ang batang nagtataglay ng mayamang kaisipan, tiyak na makakamit ang kaniyang pangarap sa buhay.

Nagpamahagi naman ang Municipal Public Library ng libreng kopya ng Superbook Aklat ng Pag-asa bilang paghikayat sa mga bata na mas mahalin at tangkilikin ang pagbabasa.
Ang programang Children Empowerment at Book Giving ay handog ng Municipal Public Library sa pamamagitan ni Municipal Librarian Catherine R. Talaro para sa mga kabataan na may hangaring paibayuhin ang pagmamahal at kagalakan sa pagbabasa. (MIO/PBayog)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan