Skip to main content

Limgas na Baley Ed Lingayen Pre-Pageant Night, Matagumpay na Idinaos

Matagumpay ang isinagawang Limgas na Baley ed Lingayen 2024 Pre-Pageant kahapon, ika-8 ng Disyembre 2023, sa Lingayen Civic Center sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Lingayen na pinamumunuan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.
Rumampa at nagpakitang gilas ang labintatlong (13) opisyal na kandidata na nagmula sa iba’t-ibang barangay at institusyon. Tampok sa naturang pre-pageant ay ang talent at swim wear competition na kung saan ay may malaking parte para sa pagpili sa mga makakapasok na semi-finalist ng Limgas na Baley ed Lingayen Pageant and Coronation Night sa January 2, 2024.
Kabilang naman sa mga nagsilbing mga hurado at kumilatis sa angking galing sa talento gayundin sa pagpagrampa at pagtinding sa entablado ay sina Ginoong Silvestre Rayos Jr., Ginang Mae Ann Pagador-Doctor, at si Ginoong Louie F. Ocampo.
Kabilang sa labintatlong kandidata ay sina:
Limgas Na Baley 1 (Poblacion) Lady Maxine Cruz
Limgas Na Baley 2 (Poblacion) Maria Cristel Joy Prado
Limgas Na Baley 3 (Libsong East) Pearline Joy Bayog
Limgas Na Baley 4 (Poblacion) Kimberly Taguibao
Limgas Na Baley 5 (Pangapisan North) Kissy May Roque
Limgas Na Baley 6 (Libsong East) Divine Grace Malicdem
Limgas Na Baley 7 (Domalandan East) April Mae Flores
Limgas Na Baley 8 (Sabangan) Dhenice Gonzaga Hingpit
Limgas Na Baley 9 (Baay) Maria Romana Amparo
Limgas Na Baley 10 (Psu Lingayen) Janna Marie Palma
Limgas Na Baley 11 (Quibaol) Patricia May Lalamoro
Limgas Na Baley 12 (Tonton) Samantha Louise De Guzman
Limgas Na Baley 13 (Malimpuec) Margux Gonzales
Ayon kay Lingayen Tourism and Cultural Affairs Officer-Designate Michelle Z. Liaoanag, na siya ring tumatayong chairman sa patimpalak, lubos ang naging pagsasanay ng mga kandidata hindi lamang sa pagrampa at pagsayaw subalit maging sa kanilang “self growth and development to become not just a candidate but to be an empowered woman”.
”Yung last natin ay 2020 and the pandemic came, we need to pause the pageant…We want Lingayen to be beautiful, and we need beautiful people that will act as role models not only for the young people but for all the citizens of our beloved town. Beauty is in the eyes of beholder and beauty now is multidimensional, not just for external looks because you should me beautiful in mind, heart and soul,” ito naman ang naging mensahe ni Municipal Administrator Roberto DG Sylim, Hermano Mayor ng Lingayen Cultural Presentation 2024.
Labis naman ang naging paghanga sa mga kandidata sa ginanap na Pre-Pageant Night ng mga personal na nakasaksi sa patimpalak at bumuhos din ang pagsuporta maging ng libo-libong nakapanood nito sa official page ng LGU Lingayen.
Malugod namang binati ni Mayor Bataoil ang mga kandidata at ang working committee sa naging matagumpay na pagdaraos ng pre-pageant night. Dagdag na mensahe ng alkalde, nagsisimula palang ang mga aktibidad para sa kapistahan sa bayan at inaanyayahan ang publiko na makilahok at makisaya sa mga kaabang-abang na mga kaganapan sa bayan ngayong buwan ng Disyembre at sa Enero. (MIO/JMMangapot)
📸🎥MIO/GcRueda/DDeGuzman/RCSoriano/DJEstrada/CCacondangan

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan