Skip to main content

LINGAYEN FISHERFOLKS TUMANGGAP NG RELIEF ASSISTANCE MULA SA BFAR RFO1

Nakatanggap ng Relief Assistance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Regional Fisheries Office 1 (BFAR-RFO1), ika-10 ng Agosto, ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng Lingayen Fisherfolks na lubos na naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng nagdaang bagyong “Egay” at ng Habagat.
Nasa two hundred twenty three (223) na benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay sa bayan ang napamahagian ng relief packs na naglalaman ng 5 kilong bigas, 1 meatloaf, 5 sardinas, 1 pack ng biscuit, 10 pakete ng 3in1 coffee at 5 pirasong noodles.
“Maraming Salamat sa BFAR Region 1 at Office of the Provincial Agriculture sa pagtugon at pagtulong sa aming mga kababayan lalo na sa mga mangingisda na lubos na naapektuhan ng bagyo. Paumanhin kung hindi lahat ay nabigyan dahil sa limitadong pondo subalit hinihikayat ko po ang mga barangay fisherfolks na magsumite ng kanilang damage report on time para mabahagian ng suporta at tulong ng pamahalaan”. Ito ang naging pahayag ni Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz.
Kasabay ng naturang aktibidad ngayong araw ay nagkaroon naman ng Awarding of Livelihood Program sa animnapu’t limang (65) miyembro ng Barangay Pangapisan North Fisherfolks Association. Sa programang ito ay nabigyan ng mga bagong Fishing Paraphernalia na magagamit ng mga mangingisdang lubos na naapektuhan ng bagyo. Ang aktibidad na ito ay sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) Integrated Livelihood Program (DILP) at naisakatuparan rin sa tulong si Senator JV G. Ejercito.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, gayundin din ang Sangguniang Bayan ng Lingayen, sa pagdagsa ng tulong para sa mga mangingisda sa bayan. Dagdag ng alkalde, tinitiyak ng lokal na pamahalaan na patuloy ang ginagawang aksyon at mga programa para matulungan ang lahat ng sektor na naapektuhan ng sakuna. (MIO/JMMangapot)
📸MO/MAO Lingayen

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan