Skip to main content

LINGAYEN IS NOW UNDER STATE OF CALAMITY

Sa bisa ng Resolution No. 462, Series of 2026, idineklara ang Bayan ng Lingayen, Pangasinan, sa ilalim ng State of Calamity at pinahintulutan ang paggamit ng Quick Response Fund (QRF) para sa agarang disaster response at relief operations.

Ang bayan ay patuloy na nakararanas ng matinding epekto ng Southwest Monsoon (Habagat), na pinalala ng mga epekto ng Typhoons Maymay, Neneng, at Obet, na nagdulot ng tuluy-tuloy na malakas na pag-ulan, pagbaha, at iba pang mapanganib na kondisyon sa iba’t ibang barangay ng Lingayen.

Sa pamamagitan ng deklarasyong ito, mapalalakas ang agarang pagtugon ng Lokal na Pamahalaan at magagamit ang mga kinakailangang resources para sa disaster response, relief, at iba pang kaukulang operasyon para sa mga apektadong komunidad.

Patuloy na kikilos ang Pamahalaang Bayan, katuwang ang mga barangay, disaster response teams, at iba pang mga katuwang na ahensya, upang mapangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Lingayenense.

Sa panahon ng kalamidad, sama-sama tayong reresponde at magtutulungan upang makabangon.

#IDAYewTayoyLingayen

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19VMWT6Gt3/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan