LINGAYEN, KAISA SA OBSERBASYON NG FISH CONSERVATION WEEK

LINGAYEN, KAISA SA OBSERBASYON NG FISH CONSERVATION WEEK
Nakiki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa obserbasyon ng Fish Conservation Week o Linggo ng Pangisdaan na may temang “Pagkain ng Bansa Siguruhin, Likas-kayang Produksyon ng Isda Isulong Natin!”.
Layunin ng naturang selebrasyon na paunlarin pa at pagyamanin ang sektor ng pangisdaan sa bansa kasabay ng pagtataguyod, pagpapaulad ng nasabing industriya upang mabigyan ng masaganang ani at kita ang mga lokal na mangingisda.
Masaya namang ibinabalita ng LGU Lingayen na isa ito sa mga napili ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na tatanggap ng Regional Gawad Pagkilala Award. Ito ay isang award na ibinibigay sa lokal na pamahalaan na nagpapatupad ng istriktong implementasyon ng anti-illegal fishing, pamamahagi ng paraphernalia sa mga fisherfolks upang magkaroon ng sapat pang kaalaman pagdating sa usapin ng pangingisda, pagbibigay ng livelihood opportunities sa iba’t ibang coastal barangays at marami pang iba.
Gaganapin ang awarding ceremony sa San Fernando, La Union sa Setyembre 16, 2022 kasabay ng Regional Culmination Program ng 59th Fish Conservation Week.
Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa BFAR dahil sa patuloy na pagkilala sa mga proyekto at aktibidad ng LGU hindi lamang sa usaping pangisdaan ngunit pati na rin sa agrikultura. Nangako ito na ipagpapatuloy pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga kababayang mangingisda at magsasaka.
Una ng kinilala ng BFAR ang maayos na pamamalakad ng LGU Lingayen sa usaping pang agrikultura matapos itong mag-qualify sa sa Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) Program-Search for Outstanding Coastal Community. Ito ay isang banner program ng naturang tanggapan na sinimulan noong taong 2016 at naglalayong mabigyan ng karangalan ang mga munisipyo sa bansa na may natatanging inisyatibo sa pangangalaga at responsableng pagpapa-unlad ang karagatan.(MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan