Skip to main content

LINGAYEN MFARMC, NAGHALAL NG BAGONG OPISYALES

LINGAYEN MFARMC, NAGHALAL NG BAGONG OPISYALES
Upang magkaroon ng mas matatag na samahan, isang eleksyon ang idinaos para sa New Set of Officers ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council o MFARMC sa bayan.
Ika-31 ng Agosto, 2022, ginanap ang naturang aktibidad kung saan nanguna at pinangasiwaan ito ng Municipal Agriculture Office o MAO Lingayen.
Ang mga bagong halal na opisyal ng MFARMC Lingayen ay ang mga sumusunod:
Chairman: Rogelio M. Altre (Libsong East)
Vice Chairman-Capture Fishing Sector: Reynaldo S. Palisoc (Maniboc)
Vice Chairman-Aquaculture/Fish Farmer Sector: Fedencio Limliman Jr (Dom East)
Vice Chairman/Fish Processing: Gerardo Dela Cruz (Capandanan)
Vice Chairman/Fish Vending: Merlita Rayos (Pangapisan North)
Secretary: Edgar Sison (Domalandan Center)
Treasurer: Simeon DG. Cruz (Naguelguel)
Auditor: Billy Ballesteros (Libsong East)
P.R.O 1: Donald Roxas (Tonton)
P.R.O 2: Ruben De Venecia (Namolan)
SGT. AT ARMS 1: Juan Canilang (Libsong West)
SGT. AT ARMS 2: Leo Z. Lopez (Malimpuec)
SGT. AT ARMS 3: Rannie Cruzada (Malimpuec)
Ipinaabot ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang pagbati sa mga bagong halal na opisyal at tiniyak ang buong suporta sa lahat ng mga proyekto at programa para sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda sa bayan.
Nagpapasalamat din ito sa malaking kontribusyon na patuloy nilang ibinibigay para sa ikauunlad ng Lingayen. Hangad at hiling lamang ng alkalde na mas pagbutihin pa ang tungkulin bilang mga kinatawan ng MFARMC at sikaping maipagpatuloy ang mga hakbang na nasimulan ng mga dati ng opisyal at miyembro nito.
Inaasahang sa Oktobre 6, 2022 isasagawa ang opisyal na oath taking ng mga New Set of Officers ng MFARMC Lingayen. (MIO)
📸MAO Lingayen

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan