Skip to main content

LINGAYEN MUSLIM BASKETBALL TOURNAMENT 2024, PORMAL NANG SINIMULAN

Pormal nang idineklara ang pagsisimula ng Lingayen Muslim Basketball Tournament ngayong ika-26 ng Enero, 2024 sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Lingayen na pinamumunuan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.

Kaisa sa naturang aktibidad si Vice Mayor Mac Dexter G. Malicdem, na siya ring Officer-in-Charge (OIC) ng opisina ng alkalde, Sangguniang Kabataan (SK) Federation President at Committee Chairman on Sports na si SBM Carissa Joyce Tuazon, SBM Jay Mark Kevin Crisostomo, Limgas na Baley ed Lingayen 2024 beauties, at si PLtCol. Vicente P. Castor Jr., OIC ng Lingayen Police Station, organizer ng tournament na si Daud Omar Barandia kasama ang ilang miyembro at manlalaro mula sa Lingayen Muslim Community, Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen, Philippine National Police (PNP) Lingayen, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Nagsilbi naman bilang panauhing pandangal si Pangasinan 2nd District Board Member Philip Theodore Cruz. Ayon sa kanyang mensahe, hinihikayat ang bawat manlalaro na gawing masaya at maayos para sa isang “friendly tournament” para mapaigting pa ang pagkakaisa sa bayan ng Lingayen.

Nagpasalamat naman si Vice Mayor Mac Dexter Malicdem sa muslim community dahil sa kanilang walang sawang pakikipagtulungan at pakikisama sa mga programa at aktibidad ng lokal na pamahalaan. Dagdag nito, iba-iba man ng relihiyon at paniniwala, lahat ay pantay-pantay pagdating sa pagbibigay serbisyo ng lokal na pamahalaan para sa taong bayan.

Kabilang sa nagsipaglahok ngayong taon ay mga koponan mula sa lokal na pamahalan ng Lingayen, limang grupo ng Muslim Community, Public Order and Safety Office (POSO), at ng pinagsamang koponan ng BFP at PNP.

Inaasahan naman na magtatapos ang naturang tournament sa Miyerkules, ika-31 ng Enero 2024 na gaganapin sa Lingayen Civic Center. (MIO_JMMangapot)

📸GCRueda

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan