LINGAYEN SCHOLARSHIP PROGRAM 7TH BATCH EXAMINATION
Matagumpay na naisagawa kahapon, Setyembre 20, ang pagsusulit para sa ika-7 batch ng Lingayen Scholarship Program (Iskolar Ako Ng Bayan).
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa DepEd SDO1, Pangasinan National High School, at sa Pangasinan School of Arts and Trades sa kanilang walang-sawang tulong, suporta, at pakikipagtulungan upang maging maayos ang pagdaraos ng programang ito.
Patuloy nating itaguyod ang edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat kabaleyan!