LINGAYEN, SUMAILALIM SA VALIDATION NG “MALINIS AT MASAGANANG KARAGATAN” (MMK) PROGRAM
LINGAYEN, SUMAILALIM SA VALIDATION NG “MALINIS AT MASAGANANG KARAGATAN” (MMK) PROGRAM
Nagsagawa ng on-site validation sa bayan ng Lingayen ang mga myembro ng Regional Technical Search Committee na binubuo ng mga kinatawan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), Philippine Coast Guard (PCG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong ika-8 ng Setyembre 2022.
Ito ay matapos na mag-qualify ang Lingayen sa Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) Program-Search for Outstanding Coastal Community sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office.
Dito ay sinuri ng mga validators ang mga nagawa o ‘accomplishments’ ng LGU Lingayen pagdating sa usapin ng pagaalaga sa katubigan at baybayin base na rin sa limang criteria na kinabibilangan ng mga sumusunod:
(1) No Illegal Fishing
(2) Implementation of Off-fishing Season
(3) Clean Coastal Waters and Solid Waste Management Implementation
(4) Declared Marine Protected Areas at
(5) Effective Mangrove Rehabilitation Program
Bago ang aktuwal na evaluation, una munang iprenesenta ni Mayor Bataoil ang mga key accomplishments ng lokal na pamahalaan at mga programa at proyekto na amy kaugnayan sa pangangalaga ng karagatan at kapaligiran. Ipinakita ang mga programa, aktibidad at initiatives ng LGU upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga coastal areas sa bayan.
Sunod dito ay ang on-site validation kung saan binisita ng validation team sa LDRRMO sub-station 1, LDRRMO sub-station II, marine at mangrove protected areas, material recovery facility o MRF gayundin ang mga pangunahing livelihood sa bayan tulad ng Bagoong Making, Fish Cages at Fish Processing. Nagkaroon din ang mga ito ng pagkakataon na makilala ang mga punong barangay na katuwang ng LGU sa mga programang pangkalikasan at proteksyon ng mga katubigan.
Matapos nito ay nagkaroon ng isang exit conference kung saan ang mga bisita ay nabigyan ng pagkakataon na sabihin ang kanilang naging obserbasyon base sa ginawang evaluation. Umaasa naman ang LGU Lingayen na magiging positibo ang gagawing desisyon ng technical search committee.
Ang Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) ay isang banner program ng BFAR na sinimulan noong taong 2016 at naglalayong mabigyan ng karangalan ang mga munisipyo sa bansa na may natatanging inisyatibo sa pangangalaga at responsableng pagpapa-unlad ang karagatan.
Ang LGU na mapipili sa regional level ay makakatanggap ng cash reward:
-First Prize P2,000,000.00
-Second Prize P1,000,000.00
-Third Prize P500,000.00
Atomatiko rin itong magiging kinatawan ng rehiyon sa national level at kung sino man ang mananalo ay tatanggap ng cash award na P30M worth of project para sa unang puwesto; P18M sa pangalawang puwesto at P10M naman sa pangatlong puwesto. (MIO)
📸MIO/GcRueda/DDeGuzman