Skip to main content

Lingayen Sumalang sa SGLG National Validation

Sumailalim sa national validation ang lokal na pamhalaan ng Lingayen para sa 2023 Seal of Good Local Governance o SGLG ngayong ika-28 ng Setyembre, 2023.
Masayang sinalubong ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil kasama ang mga empleyado ng munisipalidad ang SGLG Validator na mula pa sa National Capital Region na si Cluster Head Adrian J. Lopez, LGOO VII na inasistehan naman ni Carla Joyce B. Reyes, Admin Aide VI ng DILG.
Bago naman tuluyang sumabak sa table validation at onsite ocular inspection ng iba’t ibang pasilidad nagpahayag muna si Ginoong Lopez ng kanyang taos pusong pasalamat sa naging maiinit na pagtanggap sa kanya ng lokal na pamahalaan. Kanya ding ipinaliwanag ang kahulugan ng SGLG pati na ang ginagampanan nito sa isang bayan.
“Isang karangalan na makasama ko kayo ngayon bilang inyong national validator para sa ating SGLG. Ito po ay isang patunay na ang inyong LGU Lingayen ay niyayakap at sinasabuhay ang prinsipyo ng mabuting pamamahala. The SGLG is not only a seal of excellence but also a seal of commitment. It is a commitment to continually prove your services and programs for the benefit of your constituents. It is a commitment to uphold the principles of TAPAT AT MAHUSAY NA PAMAHALAANG LOKAL mula sa probinsya, lungsod, bayan at barangay. Ang SGLG po ay para po sa taong bayan. Dapat po ay nasasagot ang tanong kung nagla-landing ba sa ating mga constituents yong mga programa at serbisyo.” pahayag ni Lopez.
Dagdag pa nito, ang mga criteria sa SGLG ay nababago taon taon at hindi nakapokus sa ilan lamang na usapin.
“Maraming pagbabago since 2014. Lumalaki po ng lumalaki ang mga indicators. Nagiging progressive po ito at asahan po natin na by 2024 ay may mababago po ulit sa titignan na performance na para naman po sa ating kababayan. SGLG as an award, SGLG as a tool for data gathering. Ang resulta po nito ay pweding magbigay ng kaalaman kung ano po ang ibang pangangailangan ng local government unit” dagdag ng validator.
Ngayong taon, ang SGLG ay nakapokus sa sampong criteria na kinabibilangan ng mga sumusunod: financial administration and sustainability; disaster preparedness; social protection and sensitivity; health compliance and responsiveness; sustainable education; business-friendliness and competitiveness; safety, peace and order; environmental management; tourism heritage, development, culture and the arts at youth development.
Umaasa naman si Mayor Bataoil na muling makakamit ng Lingayen ang tinaguriang “Mother of All Awards” na siya umanong patunay sa pagpupursige ng bawat kawani ng local na pamahalaan nan aka angkla sa iisang layunin ng tapat, malinis at dekalidad na pagbibigay serbisyo publiko.
Posible namang malaman ang resulta sa ikatlo o ika-apat na linggo ng Oktubre ngayong taon at makikita sa official website ng DILG ang mga pumasang lokal na pamahalaan. Ang mga awardees ay nakatakdang makatanggap ng incentive fund subsidy. (MIO/MRLVinluan)
📸MIO/KPaulo/GcRueda

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan