Skip to main content

Lingayen Tourism and Cultural Affairs Office at Lingayen Tourism and Cultural Affairs Council, Naitatag Na


Aprubado na ng Sangguniang Bayan ng Lingayen ang ordinansa na may layuning magtatag at bumuo ng isang opisina na tututok sa pagpapaunlad at pagpapalago ng turismo sa bayan.

Ang Municipal Ordinance No. 73, S-2021 o mas kilala sa tawag na ‘An Ordinance Creating the Lingayen Tourism and Cultural Affairs Office and the Lingayen Tourism and Cultural Affairs Council’ ay akda mismo ni Vice Mayor Judy Vargas-Quiocho.

Ayon sa bise alkalde, layunin ng kanyang ordinansa na buhayin at ibangon muli ang turismo sa Lingayen matapos ang naranasan nitong pandemya dulot ng COVID-19.

Aniya, kanyang nakita at na-obserbahan na maraming mga tourism stakeholders tulad na lamang ng mga hotels, restaurants, tour guides kabilang na ang ilang mga maliliit na negosyante ang nagsara o nawalan ng kabuhayan simula nang ipatupad ang lockdown sa bayan.

Dahil dito, nais ni Vice Mayor Quiocho na matulungan ang mga ito sa pamamagitan ng pagtatatag ng nasabing opisina at council na pawang tututok sa pagbuo ng mga hakbang o plano para sa tourism recovery at growth initiatives.

Matatandaang isa ang Turismo sa mga pangunahing isinusulong ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa bayan upang makapagbigay ng alternatibong kabuhayan sa mga Lingayenense at makilala ang bayan bilang isa sa tourist destinations sa bansa maliban pa sa pagiging capital town nito.

Samanatala, nais din ng bise alkalde na pagtibayin pa ang mga tradisyunal na kultura (preservation of local culture and heritage) sa bayan.

Sa huli, nangako ang dalawang opisyal na ipagpapatuloy ang pagbuo ng mga magagandang programa para sa ikabubuti ng nakararami at ika-uunlad ng bayan na kanilang pinaglilingkuran. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan