Skip to main content

LOKAL NA PAMAHALAAN NG LINGAYEN, NAKIISA SA MISA DE GRACIA 2024

Sama-samang dumalo at nakilahok ang mga opisyales at maging mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, ngayong araw, ika-10 ng Mayo 2023, sa taunang Misa De Gracia sa Minor Basilica of tOur Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag.

Nakiisa rin sa misa ang ating mga kababayan na nagmula sa iba’t-ibang barangay sa ating bayan.

Ang naturang misa ay pinangunahan ng Epiphany of our Lord Co-Cathedral Parish na pinangangasiwaan ni Most Rev. Fidelis B. Layog D.D., kasama rin sina Rev. Fr. Emil Soriano at Rev. Fr. Christian Joy Bataoil.

Ang misa de gracia ay isang taunang pilgrimage tradition ng iba’t ibang parokya ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan. Ito ay isinasagawa bilang pagbibigay papuri’t pasasalamat sa Poong Maykapal at kay Apo Baket o Inang Birheng Manaoag, na siyang itinuturing na Inang Reyna na probinsiya ng Pangasinan.

Hinimok naman ni Bishop Layog sa pamamagitan ng kaniyang homilya ang mga dumalo sa misa na patuloy manampalataya hindi lamang sa panahon ng pagsubok kundi pati sa panahon ng kasaganahan.

Malugod naman si Mayor Bataoil sa lahat ng nakiisa at dumalong opisyales at mga kawani upang magbigay pasasalamat sa lahat ng biyaya at pagkilala na natanggap at ipinagkakaloob sa bayan ng Lingayen. (MIO_JMMangapot/PJBayog)

📸CCacondangan/OJT_TJEstrada

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan