Skip to main content

MALIGAYANG ARAW NG MGA BAYANI

MALIGAYANG ARAW NG MGA BAYANI
Isang flag raising ceremony at wreath laying activity ang isinagawa sa bayan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil katuwang ang Pangasinan Police Provincial Office (PPO) para sa paggunita ng kabayanihan ng ating mga yumaong bayaning nakipaglaban para sa ating kasarinlan ngayong ika-29 ng Agosto, 2022.
Sa kanyang mensahe, binigyan pugay ng alkalde ang sakripisyo ng ating mga bayani gayundin ang sakripisyo ng bawat isa sa mapaghamong panahon ng pandemya. Iginiit ni Mayor Bataoil na kung may pagmamahal lamang ang bawat isa sa kanilang bayan, marahil ito umano ang tugon sa samu’t saring suliraning kinakaharap ng ating bansa. ” Alam ko ang bawat isa sa inyo ay may kakayanang tumulong, sa inyong mga kapitbahay na naghihikahos sa buhay, sa isang ginang na hindi kayang dahil sa ospital ang kanyang maysakit na asawa o anak o nagulang, o isang magulang na hindi maipadala sa paaralan ang kanyang anak. Do not wait for your government to address all these problems, do your own share even in the very little way that you can. Let us rekindle this love for our country and for humanity”, dagdag pa ng alkalde.
Personal namang ipinaabot ni OIC PPO Provincial Director PCol Jeff E. Fanged ang mensahe ni PNP Chief of Police PGEn Rodolfo Azurin Jr. ngayong Araw ng mga Bayani. Ipinaalala ng heneral na huwag nating limutin ang mga aral ng nakaraan upang malinaw nating maunawaan ang kasalukuyan at makita ang hinaharap.
Ilang pagtatanghan din ang ipinamalas ng mga kabataang Pangasinense sa programa kabilang na sina Renz Robosa, Alyssa Erasquin at ang Perpetual Help College Dance Group ng Malasiqui.
Ang pag-aalay ng bulaklak naman ay pinangunahan ng buong pwersa ng kapulisan sa pangunguna ni Lingayen Chief of Police Wilmer L. Pagaduan, Order of Knights of Rizal, Moises J De Guzman Memorial Lodge No. 161 ng Free and Accepted Mason, LGU Lingayen kasama ang Sangguniang Bayan Members sa pamumuno ni Vice-Mayor Dexter Malicdem at mga department heads, Bureau of Fire Protection at iba pang mga panauhin. (MIO)
📸MIO/GcRueda

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan