
MANDATORY DRUG TEST MULING ISINAGAWA PARA SA MGA DRUG SURRENDEREES
Tagumpay na sumailalim sa drug testing Activity ang nasa mahigit isang daang drug surrenderees sa bayan noong Marso 5-6, 2020.
Kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office MDRRMO at Rural Health Unit 1 at sa pamumuno na rin ni Mayor Leopoldo N. Bataoil, matagumpay na naidaos ang dalawang araw na aktibidad.
Layunin nito na tiyaking hindi na muling masangkot sa iligal na droga ang mga sumukong personalidad.
Gamit ang isang drug-testing kit, sinuri ang ihi ng mga surrenderees at sa loob lang ng ilang minuto, lumabas na negatibo ang mga ito sa paggamit ng illegal drugs.
Pinamahalaan naman ng PNP Lingayen ang pagsasagawa ng nasabing drug testing sa mga sumukong indibidwal upang makasiguro na hindi magkakaroon ng anomalya ang ginawang pagsusuri.
Ang mandatory drug testing na isinagawa ng lokal na pamahalaan ay bahagi lamang ng kanilang Community-Based Rehabilitation Program (CBRP).
Isa rin ito sa hakbang ng LGU Lingayen na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kababayan at matuldukan na ang patuloy na pagdami ng iligal na droga sa bansa.(MIO)