Skip to main content

March 2, 2026 | Flag Raising Ceremony

Isinagawa sa unang linggo ng Marso ang Flag Raising Ceremony ng LGU Lingayen. Pinangunahan ang seremonya ng mga kawani mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Lingayen sa pamumuno ni Kinber-Ann Combate, FSINSP.

Sa nasabing programa, iginawad ang Loyalty Award for Dedicated Service in Government Public Service kina Ma’am Milani V. Manaot, Sir Joey V. Manuel, at Municipal Librarian Catherine Talaro bilang pagkilala sa kanilang tapat at mahusay na paglilingkod sa pamahalaang lokal.

Pinarangalan din si PESO Manager Cezca Katrina F. Mararac bilang High Performing PESO para sa CY 2026 sa SIKAT PESO Awards, bilang pagkilala sa kanyang natatanging kontribusyon at dedikasyon sa larangan ng serbisyo publiko.

Binigyang-diin din sa programa ang pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso, na naglalayong kilalanin at ipagdiwang ang mahalagang papel at makabuluhang ambag ng mga kababaihan sa patuloy na pag-unlad ng lipunan.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1L3AEJot5r/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan