
MARKET AT SLAUGHTER HOUSE, SARADO TUWING LUNES
Bukod sa pamilihang bayan, isasara na rin ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang slaughterhouse nito tuwing Lunes.
Ito ang kinumpirma ni Market Supervisor Arnulfo Bernardo, upang bigyan daan din ang paglilinis at disinfection sa naturang pasilidad.
Pansamantala rin umanong ititigil ang operasyon nito tulad na lamang ng pagkatay ng mga alagang baboy para masiguro na walang magbebenta nito sa palengke.
Ang disinfection activities ay bahagi ng “regular and necessary protocols” ng LGU Lingayen upang mapanatiling ligtas ang publiko at mapigilan ang pagdami ng kaso dulot ng COVID-19.
Ito ay alinsunod sa Revised Implementing Guidelines on the Modified General Community Quarantine in the Municipality of Lingayen o Executive Order No. 62, series of 2020.
Walang sinuman ang pahihintulutan na pumasok dito sa araw ng Lunes maliban sa mga otorisado na mapabilang sa disinfection activity.
Isasara ang mga sumusunod na bahagi sa pamilihang bayan:
-wet section ( fish/meat )
-agri/aqua section ( ukay-ukay, general merchandise, rice )
-USAID bldg. (grocery, etc )
-fruit and vegeatable section
-dried section ( tuyo, tinapa, daing )
-Bengson stalls ( karinderia, etc )
-MCCC
Muli namang ipinaalala ng Market and Slaughterhouse Office ang Health and safety protocols sa loob ng pamilihang bayan tulad ng mga sumusunod:
⁃ Mandatory wearing of face mask at face shield
⁃ No smoking policy
⁃ Physical distancing
Sinumang lalabag sa mga naturang alituntunin ay maaring maharap sa kaukulang parusa.
Mahigpit din na paiiralin ang one warning policy. Ang mga susunod pang mga paglabag ay maaring magresulta nang pansamantalang pagpapasara ng kani-kanilang mga establisimyento.
Magbabalik ang operasyon ng slaughterhouse at pamilihang bayan sa Martes, Setyembre 29, 2020. (MIO)