MASS ANTI-RABBIES VACCINATION ISASAGAWA NG MAO
Isang libreng bakuna para sa mga alagang aso at pusa ang nakatakdang isagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office (MAO).
Ang massive vaccination ay isasagawa sa mga piling barangay na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Brgy. Tonton – November 16, 2021
Libsong East – November 19, 2021
Libsong West – November 23, 2021
Matalava – November 24, 2021
Namolan – November 25, 2021
Bantayan- November 29, 2021
Rosario – December 1, 2021
Balococ – December 2, 2021
Sabangan – December 7, 2021
Magsisimula ang nasabing aktibidad mula 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at hinihikayat ang lahat ng mga pet owners na dalhin ang kanilang mga alaga sa brgy. hall ng mga nabanggit na lugar.
Babakunahan ang mga alagang aso at pusang may edad tatlong buwan pataas at walang anumang sintomas ng sakit tulad ng kawalang ganang kumain, pagsusuka, pagtatae, ubo at iba pa.
Paalala lamang ng MAO Lingayen sa mga may alagang hayop na pabakunahan ang mga ito upang mabawasan ang kaso ng rabies at mas maging epektibo ang kampanya laban dito.
Kasabay nito ay ang paalala rin ng naturang tanggapan na sundin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at pag obserba sa social distancing.
Para sa ibang katanungan o mga detalye, maaaring makipag-ugnayan sa inyong mga barangay officials o sa tanggapan ng Municipal Agriculture Office. (MIO)