Skip to main content

Mass Free Anti-Rabies Vaccination for the Month of April 2024

MASS FREE ANTI-RABIES VACCINATION SA MGA ALAGANG HAYOP HANDOG NG MAO LINGAYEN

Tuloy tuloy ang pag-iikot ngayon ng Municipal Agriculture Office o MAO Lingayen sa iba’t ibang barangay sa bayan upang magbigay ng libreng Anti Rabies Vaccination sa mga may-alagang aso at pusa.

Kanina ay nasa Barangay Naguelguel ang mga beterinaryo nang naturang tanggapan upang isagawa ang nasabing aktibidad.

Ayon sa MAO Lingayen, hindi lamang simpleng pagtuturok ang kanilang ginagawa bagkus ay nakatutok din ang kanilang opisina sa pagpapalaganap ng wastong kaalaman sa pag-aalaga ng mga hayop at pagiging isang responsableng pet owner.

Layunin ng programa na iangat ang kamalayan ng publiko sa panganib ng rabies virus na maaaring idulot o malipat sa tao lalo na kung hindi nabakunahan ang mga alagang aso at pusa.

Narito ang iskedyul para sa libreng bakuna ng anti-rabies sa mga alagang hayop:

April 4: Domalandan East Covered Court
April 11: Capandanan Brgy. Hall
April 16: Rosario Brgy. Hall/Covered Court
April 17: Lasip Brgy. Hall/Covered Court
April 18: Basing Brgy. Hall/Covered Court
April 23: Aliwekwek Brgy. Hall/Covered Court
April 24: Wawa Brgy. Hall/Covered Court
April 25: Malawa Brgy. Hall/Covered Court

Para sa ibang lugar na hindi nailista, maaaring makipag-ugnayan sa inyong barangay para sa susunod na schedule ng anti rabies vaccination o di kaya’y mag-message sa official facebook page ng Municipal Agriculture Office na (https://www.facebook.com/profile.php?id=61554153067972).

Nais ni Mayor Leopoldo N. Bataoil na maging Rabies Free ang bayan ng Lingayen kaya patuloy ang programa na Free Rabies Vaccination ng Lokal na Pamahalaan lalo. (MIO_MRVinluan)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan