
MASSIVE ANTI-RABIES VACCINATION ISINASAGAWA SA MGA BARANGAY
Nakiki-isa ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office sa pagtataguyod ng buwan ng Marso bilang Rabies Awareness Month, na may temang “Maging Responsableng Amo, Huwag Hayaang Gumala ang Alagang Pusa’t Aso.”
Ayon kay Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz, kabilang sa mga aktibidad ay ang pagsasagawa ng malawakang pagbabakuna sa mga aso at pusa kontra rabies, sa pakikipag-ugnayan na rin sa tatlumpu’t dalawang (32) barangay sa bayan.
Binigyang diin pa ng opisyal na nakatutok din ang kanilang opisina sa pagpapalaganap ng wastong kaalaman sa pag-aalaga ng mga hayop at pagiging isang responsableng pet owner.
Layunin din aniya ng kanilang information dissemenation campaign na mabawasan ang bilang ng mga posibleng mabiktima ng kagat ng aso at pusa lalo na dito sa bayan.
Paalala lamang ng MAO Lingayen sa mga may alagang hayop na pabakunahan ang mga ito upang mabawasan ang kaso ng rabies at mas maging epektibo ang kampanya laban dito.
Narito ang iskedyul ng kada barangay na hahatiran ng libreng pagpapabakuna kontra rabies: (VENUE: BRGY. HALLS)
1. Domalandan West- March 17, 2021
2. Domalandan Center – March 18, 2021
3. Domalandan East – March 23, 2021
4. Capandanan – March 24, 2021
5. Estanza -March 25, 2021
6. Malimpuec – March 30, 2021
7. Balangobong – March 31, 2021
8. Baay – April 6, 2021
9. Quibaol -April 7, 2021
10.Naguelguel -April 8, 2021
11. Maniboc- April 13, 2021
12. Pangapisan North – April 14, 2021
13. Poblacion – April 15, 2021
14. Lasip – April 20, 2021
15. Wawa – April 21, 2021
16. Dulag – April 27, 2021
17. Aliwekwek – April 27, 2021
18. Basing – April 28, 2021
19. Talogtog -April 29, 2021
Una nang natapos na mabakunahan ang mga alagang hayop mula sa Brgy. Dorongan at Brgy. Pangapisan Sur noong nakaraang linggo. Habang aayusin pa lamang umano ang iskedyul ng iba pang mga natitirang mga barangay na hindi nabanggit.
Para sa ibang katanungan o mga detalye, maaaring makipag-ugnayan sa inyong mga barangay officials o sa tanggapan ng Municipal Agriculture Office. (MIO)