LGU LINGAYEN AKTIBONG LUMAHOK SA BIDA AT HAPAG PROGRAM NG PROVINCIAL GOVERNMENT

Aktibong dinaluhan ng iba’t-ibang ahensya at lokal na pamahalaan sa lalawigan kabilang ang bayan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at Vice Mayor Mac Dexter G. Malicdem ang opisyal na paglulunsad ng programa na BIDA at HAPAG ngayong ika-19 ng Mayo, 2023 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center Gymnasium, Lingayen, Pangasinan.

Layon ng programang Buhay ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) at Halina’t Magtanim ng Prutas At Gulay (HAPAG) na ilayo ang ang publiko sa masamang bisyo tulad ng paggamit ng droga at hikayatin ang mga ito na maging makabuluhan ang buhay at magkaroon ng malusog na pangangatawan sa pamamagitan ng pagtatanim at ng masusustansyang prutas at gulay.

Ayon sa mensahe ni Pangasinan 4th district Board Member Jerry Rosario, bilang kinatawan ni Gobernador Ramon “MonMon” V. Guico III, ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ay tuloy-tuloy ang serbisyo, aksyon at suporta sa iba’t-ibang kagawaran upang matugunan ang anumang problema sa droga at maging ligtas ang lahat ng mamamayan rito.

Kaisa sa naturang programa ang ibat-ibang kagawaran ng pamahalaan gaya ng Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Education (DepED), Bureau of Corrections (BOC), Department of Agriculture (DA), Department of Justice (DOJ), Anti-Drug Council at maging mga lokal na pamahalaan ng Pangasinan kabilang ang bayan ng Lingayen na pinamumunuan din ni LMP Pangasinan Chapter President Mayor Leopoldo N. Bataoil.

Kasabay ng paglulunsad ngayong araw ay ang paggawad ng parangal sa mga nagwagi sa ibat-ibang kompetisyon gaya ng Hashtag on Wheels, Zumba Chills, TikTok Dance Challenge, at HAPAG Table Setting. Kabilang sa mga ginawaran, ang bayan ng Lingayen na nag-uwi ng kampeonato (Champion) sa Hashtag on Wheels contest na may #MasaganangHapagBungaNg PagtatanimAtSipag at #SaBayangMapayapaDroga’yHindiMalaya at Ikalawang pwesto (2nd Place) naman sa Hapag table Setting. Habang ang bayan ng Mangatarem ang nanguna sa TikTok Dance, Bayan ng Rosales sa Zumba Chills at siyudad ng Alaminos sa Hapag table setting.

Samantala, binigyan rin ng sertipiko at consolation prizes ang lahat ng sumali at hindi pinalad na mag-wagi sa lahat ng idinaos na patimpalak.

Paalala naman ng alkalde na patuloy na magiging mapagmatyag ang mga awtoridad sa pagpuksa ng iligal na droga sa bayan. Hinikayat rin niya ang lahat na sama-samang puksain at labanan ang lahat ng uri ng masasamang bisyo. Hindi rin niya isinantabi ang paghimok na magkapit-bisig sa pagsulong at pagpapaigting ng “green environment” at paniniguro ng food sustainability sa bayan. (MIO/JMMangapot)

📸MIO/GcRueda/DDeGuzman/KPaulo/DJEstrada/CCacondangan

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan