MAYOR BATAOIL INI-ULAT ANG MGA NAGAWA SA BAYAN SA KANYANG UNANG 100 ARAW SA PWESTO
Inilahad ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang kanyang Ulat sa Bayan 2022 o ang First 100 Days Report sa kanyang ikalawang termino.
Sa harap ng kanyang mga tagasuporta, staff at kapwa opisyales ng LGU Lingayen, inisa-isa ng alkalde ang mga pangunahing accomplishments ng kanyang administrasyon at ang mga ipinagpapatuloy na nasimulang proyekto.
Una sa magandang panimula ni Mayor Bataoil ay ang mga proyekto at aktibidad na naisagawa sa ilalim ng SOCIAL SECTOR. Kabilang na dito ang tuloy tuloy na pamamahagi ng financial assistance, relief food packs, cash incentive at certificate of recognition sa mga centenarians, COVID-19 vaccination campaign pati na ang social services ng LCR kung saan ginawaran pa ito bilang TOP 3 Most Innovative LCR Office sa buong bansa.
Sunod ay ang ECONOMIC SECTOR kung saan ipinagmalaki nito ang pagkakatanggap ng lokal na pamahalaan ng unmodified audit opinion mula sa Commission on Audit. Nangangahulugan ito na malinis at walang bahid ng anomalya ang LGU Lingayen sa paggamit ng kaban ng Bayan.
Nabanggit din ang ENVIRONMENTAL SECTOR kung saan highlight dito ang bird watching na isa sa ecotourism attraction ng bayan at ang patuloy na pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.
Nariyan din ang INFRASTRUCTURE SECTOR o ang mga proyektong pang-imprastraktura na kinabibilangan ng pagtatayo ng bagong tanggapan ng PAGCOR-multipurpose evacuation center, tourism oriented facuilities, konstruksyon ng mga drainaige canal at protective slopes sa iba’t ibang barangay at marami pang iba.
Inihayag din niya na ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang kampanya kontra sa kriminalidad at iligal na droga pati na ang kanyang kautusan sa mga kapulisan na walang diskriminasyon at walang kotong.
Sa huli, hinimok ng opisyal ang mga kapwa opisyales at kapwa mga lingkod bayan na magkaisa at magtulungan sa kanyang pamamalakad upang marami pang matulungan na mga kababayan dahil aniya, “Public service is a public trust”.
“Tandaan po ninyo na ang ating serbisyo, at aking tungkulin bilang Mayor sa aking ikalawang termino ay nagsisimula pa lang. Nakatapos na tayo ng unang isang daang araw ng tapat na paninilbihan sa taumbayan— and more projects will be accomplished, more services will be given for the rest of my term, the best is surely yet to come” pahayag ng alkade.
Ginanap ang 100 Days Report ni Mayor Leopoldo N. Bataoil noong ika-10 ng Oktubre, 2022 sa Sangguniang Bayan Session Hall at mapapanood din ang kabuuan nito sa Lingayen Information Office facebook page. (MIO)