
MDRRMC ACTIVATED NA, BAGYONG DANTE PINAGHAHANDAAN
Activated na ngayong araw ang Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Council (MDRRMC) matapos itong i-convene ni MDRRMC chairperson at Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil.
Itinaas na rin ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen sa “red” ang alert status nito dahil sa
posibleng pananalasa ng bagyong Dante.
Ito ay matapos na isailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang buong probinsya ng Pangasinan.
Agad namang ini-utos ni Mayor Bataoil ang pagtaas ng red alert status na layuning i-maximize ang availability ng rescue personnel sa paghahanda sa pagtama ng bagyo.
Inobliga na rin ng alkalde ang mga opisyales ng barangay na i-activate ang kanilang mga emergency operations center at
incident management teams sa inaasahang pananalasa ni Dante.
Pansamantalang ipinagbawal din ang paglalayag ng mga maliliit na bangka sa mga coastal areas sa bayan.
Bukod pa sa mga nabanggit, pinaghahanda na rin ni Mayor Bataoil ang iba pang mga frontline units sa mga lugar na hindi
gaanong tatamaan no maaapektuhan ng bagyo sa posibilidad nang reinforcement.
Nakiki-usap naman ang LDRRMO Lingayen sa mga kababayan na agad sumunod kung sakali mang magkakaroon ng forced evacuations, lalo sa mga binabaha at landslide-prone na mga lugar.
Inaasahang mararanasan ang malakas na hanging nasa 61-120 kph sa susunod na 24 Oras. (MIO)