Skip to main content

MEDICAL FRONTLINERS TUMANGGAP NG 2nd DOSE NG BAKUNA, DOLE TUPAD BENEFICIARIES NAGSIMULA NA ANG SERBISYO


Binigay na ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang second dose ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19 para sa mga healthcare workers o medical frontliners sa bayan.

Ngayong araw Abril 27, 2021, isinagawa ang ikalawang bugso ng pagpapabakuna na ginanap sa Lingayen Civic Center.

Ayon sa Municipal Health Office, target mabakunahan ang nasa mahigit siyamnapung (90) doktor, nurse, at kawani ng iba’t ibang ospital sa bayan.

Tulad ng naunang sistema ng vaccination, dumaan sa maayos na proseso ang pagpapabakuna. Sinuri muna ang vital signs ng pasyente, sumunod ay ang screening at verification.

Sumunod ang vaccination proper at pagkatapos mabakunahan ng pasyente, pansamantala muna itong inilagay sa holding area para obserbahan ang reaksyon ng bakuna sa katawan.

Samantala, kasabay ng nasabing aktibidad, isinagawa din ngayong araw ang orientation ng nasa mahigit tatlong daan (300) na benipesyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Dito ay ipinaliwanag sa mga benebisyaryo kung ano ang nilalaman at nakapaloob sa nasabing programa ng pamahalaan pati na ang mga ipinapatupad na safety and health standard.

Matapos naman ang nasabing orientation ay agad ng idineploy ang mga benepisyaryo sa iba’t ibang barangay sa bayan upang simulan na ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng paglilinis ng kalsada at canal, pagtatanim ng mga puno at iba pa.

Tatagal ng labing anim (16) na araw ang trabaho ng TUPAD beneficiares na tatanggap ng sahod na hindi bababa sa minimum wage na umiiral sa bayan at entitled din ang mga benipesyaryo ng pang-isang taon na Accident Insurance na nagkakahalaga naman ng P50,000 sakali man na may di inaasahang mangyari habang sila ay nagtrabaho. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan