Skip to main content

MEDIKAL, DENTAL AT VISION EYE SCREENING MISSION NA INORGANISA NG SOUTH SAN FRANCISCO GOLDEN GATE LIONS CLUB DISTRICT 4-C4

Matagumpay ang isinagawang unang araw ng medikal, dental at vision eye screening mission na inorganisa ng South San Francisco Golden Gate Lions Club District 4-C4, sa pangunguna ni Past District Governor Helen A. Casaclang, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamumuno nina Mayor Leopoldo N. Bataoil at Vice Mayor Mac Dexter G. Malicdem.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng ating mga kababayan mula sa Barangay Libsong East ngayong araw ng Miyerkules, ika-10 ng Enero 2024. Ilan sa mga benepisyong ibinigay sa mga residente dito ay ang medical consultations, optical at dental examinations, at iba pang medical procedure na nangangailangan ng tulong at gamutan.
Nanguna sa nasabing programa ang mga medical doctors at ilang kawani ng Municipal Health Office o MHO Lingayen. Katuwang din ang Barangay Council ng Barangay Libsong East sa pamumuno ni Punong Barangay Edgardo M. Diaz, at ng Libsong Beachline Socialities (LBS).
Sa unang araw ng programa ay umabot sa mahigit 400 ang napamahagian ng naturang serbisyo kung saan umabot sa 111 na bilang ang nagpakonsulta ng dental, 225 sa optical at 110 naman sa medical.
Isasagawa naman bukas, ika-11 ng Enero 2024 ,ang ikalawa at huling araw ng naturang aktibidad na idaraos naman sa Libsong West Auditorium.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Bataoil sa kabutihang loob at serbisyong ibinibigay ng iba’t-ibang grupo at indibidwal para matulungan at matugunan ang mga pangangailangan lalo sa medikal o pangkalusugan ng mga kababayan sa naturang mga barangay. (MIO/MRVinluan/JMMangapot)
📸OVM/RHU I/CCacondangan

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan