• Home
  • Community
  • News
  • News
  • MGA AKTIBIDAD SA PAGDIRIWANG NG NUTRITION MONTH NGAYONG HULYO, MATAGUMPAY NA NAIDAOS

MGA AKTIBIDAD SA PAGDIRIWANG NG NUTRITION MONTH NGAYONG HULYO, MATAGUMPAY NA NAIDAOS

Ibinahagi ni Municipal Nutrition Action Officer, Maria Clara Sison ang mga aktibidad na tagumpay na naisagawa sa bayan kasabay ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo  katuwang ang Association of Barangay Nutrition Scholars at Municipal Health Office o MHO Lingayen.

Isa na rito ang pamamahagi o distribution ng mga food packs para sa mga sanggol na nasa 6-23 months old at pawang nasa kategorya ng  severely underweight, underweight, wasted and stunting. Limampu’t limang (55) mga bata na hindi kabilang sa mga benipesyaryo ng programang Tutok Kainan ang nabigyan ng mga food commodities.

Nagsagawa din ang naturang tanggapan ng  information dissemination kung saan ibinahagi sa publiko ang mga tamang paraan upang makamit ang wastong nutrisyon hindi lamang sa mga kabataan ngunit pati na rin sa mga matatanda. Mayroon ring ‘information sharing session’ sa iba’t ibang barangay kung saan tinalakay naman dito ang mga usapin tungkol sa  Mental Health ngayong New Normal, Nutrition and Immunity, at iba pa.

Bukod pa rito, nabigyan din ng pagkakataon ang nasa limampung (50) mga buntis mula sa iba’t ibang barangay na sumailalim sa ilang libreng health services tulad na lamang ng Glucose Screening Test, Dental Care, Prenatal Check Up, lecture sa proper breast feeding at food handling preparation.

Nagkaroon din ang mga ito ng libreng physical examination na pinangunahan mismo ni Dr. Sandra Gonzales, Municipal Health Officer upang matiyak na ligtas at malusog ang ina pati na ang sanggol nasa kanilang sinapupunan.

Idinaos din ang isang cooking contest kung saan ang mga kalahok ay nagluto ng mga masusustansyang pagkain gamit ang kanilang sariling recipe.

Mayroon ding zumba upang i-promote ang malusog at masiglang pangangatawan habang nakatanggap naman ng libreng mga weighing scale ang Southern Barangays upang magamit para sa kanilang mga nasasakupan.

Ang pagdiriwang ng Nutrition Month ay isa sa pinakamahalagang aktibidad na isinasagawa taon-taon upang ipaalala sa publiko na panatilihin ang malusog at masiglang pangangatawan. Bilang pagtatapos na aktibidad may 200 benipisyaro rin ang nakatanggap ng food packs na para naman sa mga batang 0-59 months old.

Muli namang inihayag ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang suporta dito at  nangakong mas sisikapin pang itaguyod ang mga programang pangkalusugan para sa lahat. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan