Skip to main content

MGA BAGONG DOKTOR NG BAYAN, PORMAL NANG IPINAKILALA KASABAY NG ISINAGAWANG FLAG CEREMONY

Pormal ng ipinakilala ngayong araw ng Lunes, ika-17 ng Oktubre, 2022 ang bagong Municipal Health Officer/ RHU 1 Head at Medical Officer IV/ RHU 3 Head ng bayan sabay ng pagdaraos ng regular Monday Flag Ceremony ng lokal na pamahalaan ng Lingayen.
Si Dr. Heinrich M. Manuel ang itinalagang bagong MHO matapos magretiro si Dra. Sandra Gonzales.
Personal na ipinakilala ni Dr. Manuel ang kanyang sarili sa harap mismo ni Mayor Leopoldo N. Bataoil kasama ang mga kapwa opisyal at mga empleyado ng munisipalidad. Dito ay kanyang pinasalamatan ang mga nabanggit na indibidwal at nangakong pagsisilbihan ang mga kababayan na naaayon sa kanyang kakayahan.
“First, I want to thank Mayor Leopoldo Bataoil, Vice Mayor Dexter Malicdem, to all the Sangguniang Bayan members, employees and to all the people of Lingayen for giving me this opportunity. For the past 6 years, we are training a lot of health officers sa Department of Heath–that was my life before. Now, I think, it’s my calling to help siguro ang mga kababayan po nating mga Lingayense lalo na those people who are in need”, pahayag ng bagong talagang MHO.
Si Dr. Manuel ay nagsilbing Medical Specialist 2 sa Department of Health-Treatment Rehabilitation Center sa Dagupan City taong 2016-2022 bago tuluyang maging Municipal Health Officer ng bayan.
Samantala, ipinakilala na rin ang bagong doktor na hahawak ng RHU III.
Mula sa pamumuno dati ni Dr. Eusebio Sison, hahawakan na ito ngayon ni Dr. Shayne Delos Santos Borling. Ang nasabing medical officer ay dating kawani ng Pangasinan Provincial Health Office.
“Asahan po ninyo-my support with all the health care reforms, health care initiatives and even health care services of the Municipality of Lingayen. Maraming salamat po for giving me the chance to offer my services to our kababayans. Expect me po, from my previous learning and knowledge that I gained sa Provincial Health Office, lahat po yon io-offer ko sa lahat especially to the poorest of the poor, under privileged and marginalized sector na mga kababayan po dito sa Lingayen” ani Dr. Borling.
Ang dalawang nabanggit na bagong opisyal ay parehong dumaan sa selection board ng lokal na pamahalaan bago tuluyang maitalaga sa pwesto. (MIO)
📸MIO/DDeGuzman/MVR

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan