MGA BAGONG SASAKYAN AT HEAVY EQUIPMENT NA NABILI SA PAMUMUNO NI MAYOR BATAOIL PATULOY NA PINAKIKINABANGAN
“Hindi nasayang ang buwis ng taumbayan”, ito ang palagiang sambit ni Lingayen Mayor Leopoldo N. Bataoil mula nang kanyang panunungkulan. Dahil kasi sa masusing paggamit ng pondo ng lokal na pamahalaan at maayos na fiscal management, ngayon mas marami ng brand new vehicles at mga heavy equipment ang nabili para sa mas pinaganda at maayos na serbisyong ibinibigay ng munisipyo at ng mga barangay.
Maliban sa mga programa at aktibidad na isinagawa hindi rin isinantabi ang pagpapalakas ng kapasidad ng iba’t ibang departamento sa kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko. Ito ay sa tulong ng mga bagong makinarya at sasakyan ng lokal na pamahalaan kabilang ang disaster response and rescue vehicles, heavy equipment, dump trucks, transport trucks, service vehicles, at general-purpose vehicles. Ang mga ito ay magsisilbing suporta, hindi lamang para sa emergency response kundi pati na rin sa waste management, law enforcement, tourism management, at community outreach.
Isang mahalagang aspeto ng mga proyektong ito ay ang maayos na paglalaan ng pondo at dumaan sa angkop at ng epektibong fiscal management, sa tulong ng Bids and Award Committee (BAC), na nagresulta sa pagbili ng mga sasakyan ng walang anumang utang o loan.
Matatandaang noong Pebrero 2022, bumili rin ng mga brand-new rescue vehicles ang LGU na ipinamahagi sa lahat ng 32 barangays nito. Samantala, buwan ng Abril ng parehong taon, nadagdagan pa ito ng mga sumusunod na sasakyan;
Dalawang (2) brand new Mitsubishi Strada pickup para sa rescue operations ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO)
Isang (1) brand new Mitsubishi Strada pickup para sa General Services Office (GSO Lingayen)
Isang (1) brand new Isuzu Dump Truck para sa waste management ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)
Dalawang (2) brand new XR 150 motorcycles para sa pagpapatrolya ng PNP Lingayen
Nariyan rin ang isang (1) brand new Patient Transport Vehicle na donasyon naman mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
Batay naman sa tala ng General Services Office, aabot na sa 84 ang naipundar na mga sasakyan para sa iba’t ibang departamento ng munisipyo mula taong 2019 hanggang kasalukuyan na kinabibilangan naman ng mga sumusunod:
45 disaster response and rescue vehicles (winged van, ATV, pickup, rescue boat, 6-wheeler truck, declogger truck, manlift truck, customized body disaster response vehicle)
9 heavy equipment (dump truck, backhoe)
1 transport truck (refrigerated van)
2 rescue boats
4 service vehicles (tourist bus, commuter van, pickup)
22 general purpose vehicles (motorcycle, garong, 3-wheeled cargo tricycle, ATV, electric bike)
5 donated vehicles (motorcycls from Guanzon Group of Companies, patient transport vehicles na donasyon mula sa Department of Health at Philippine Charity Sweepstakes Office, refrigerated van mula sa Department of Agriculture, at 45-seater service bus na donasyon mula sa Victory Liner Company)
Ang inisyatibong ito ay patunay ng dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng serbisyo publiko. Ang lahat ng naipundar ay mula sa sariling pondo ng bayan, isang indikasyon ng tamang pamamahala at pagpaplano sa kaban ng bayan sa tulong din ng Sangguniang Bayan ng Lingayen sa ilalim ng liderato ni Vice Mayor Mac Dexter Malicdem.
Patuloy naman ang lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pagsusulong ng mga proyektong magpapalakas sa kakayahan nitong tumugon sa pangangailangan ng mga Lingayenense. Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, masisigurado ang mas ligtas, mas maunlad, at mas maayos na pamumuhay ng bawat mamamayan ng Lingayen. (MIO)