MGA BAGONG TALAGANG KAWANI NG LGU LINGAYEN, NANUMPA SA TUNGKULIN


Pormal nang nanumpa ang dalawampu’t limang (25) mga bagong talaga na empleyado ng munisipalidad kabilang na ang mga naunang halal na opisyal ng Municipal Employees Association of Lingayen o MEAL ngayong araw ng Lunes, Abril 19, 2021.

Isinagawa ang nasabing aktibidad kasabay ng flag raising ceremony ng mga piling kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ni Municipal Administrator Roberto Sylim ang panunumpa sa katungkulan ng mga appointed at promoted na mga empleyado.

Bagama’t wala sa nasabing okasyon, ipinaabot ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang kanyang pagbati sa bawat isa. Bilang lider at ama ng bayan, hiniling nito sa mga empleyado na magsilbi at ibigay ang kanilang pinakamahusay na pagseserbisyo sa bayan at huwag sayangin ang bawat pagkakataon at pangalagaan ang tungkuling nai-atang sa kanila.

Ipakita aniya ang pagiging responsable sa kani-kanilang mga trabaho at iwasan ang hindi magandang pag-uugali pati na ang paggawa ng mga bagay na maaaring ikasira, hindi lamang ng kanilang pagkatao ngunit pati na ng imahe ng bayan na kanilang pinaglilingkuran.

Lagi umanong isasa-isip at isasapuso ang prinsipyong “Public Service is a Public Trust”, “Love of Country in general and Lingayen in particular”.

Narito ang listahan ng mga newly hired/appointed at promoted na empleyado ng munisipalidad:

1. Nelco Paul P. Coquia – Municipal Planning and Development Coordinator
2. John Silvester A. Tapia – Municipal Engineer
3. Gerald Michael T. Gutierrez – Executive Assisstant IV
4. Larry B. Flores – Municipal General Service Officer
5. Cinderella S. Sison – Local Assessment Operation Officer II
6. Jefferson E. Orjalo – Local Assessment Operation Officer I
7. Benilda C. Victorio -Administrative Officer IV
8. Marle M. Tacud – Administrative Officer II
9. Realyn D. Ferrer – Administrative Officer I
10. Marilyn V. Inacay – Midwife II
11. Elena R. Tandoc – Midwife II
12. Jonalyn V. Rosal -Administrative Aide III
13. Jenhre R. Reyes – Market Inspector I
14. Sherame S. Tuazon – Admnistrative Aide I
15. Maritess A. Celino- Administrative Aide III

Narito naman ang listahan ng mga Casual Appointees (Administrative Aide IV)

1. Mary Grace De Guzman
2. Jennifer N. Garcia
3. Eric C. Cruz
4. Cherry E. Orjalo
5. Chelsea P. Sendayen
6. Danne Faye P. Velasco
7. Mary Cris V. Dela Cruz
8. Rachelle E. De Guzman
9. Jordan Z. Cruz
10. Mary Grace P. Garibay

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office (075) 632-4337
Lingayen Police (075) 206-0042
Fire Department (075) 542-7080
LDRRMO (075) 633-5702
DILG Office (075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan