Skip to main content

MGA BARANGAY TANOD SA BAYAN, SUMAILALIM SA BPATs TRAINING

Aktibong nakilahok ang mga Barangay Tanod na miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) kasama ang kanilang opisyales sa isinagawang Barangay Peacekeeping Action Team Training ngayong ika-15 ng Agosto, 2024.

Pinangunahan ng Lingayen Police Station ang nasabing aktibidad na personal namang dinaluhan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.

Ibinahagi ng PNP Lingayen sa mga kalahok ang kanilang mga mahahalagang tungkulin pati na ang pagpapaalala sa maayos na pagbabantay at pagpapatupad ng peace and order sa kanilang barangay.

Naroon din ang Bureau of Fire Protection upang ibahagi ang mga safety tips o tamang kaalaman para maiwasan ang sunog habang Basic Life Support naman ang itunuro ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO Lingayen.
Naibahagi din naturang pagsasanay ang kaalaman patungkol sa Drug Clearing Program, tamang pamamaraan ng pag-aresto o handcuffing pati na ang papel ng katarungang pambarangay.  

Ayon kay PLTCOL Amor Mio I. Somine Officer in charge ng Lingayen Police Station, layon ng kanilang aktibidad na makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers ng Barangay na tiyak umanong pakikinabangan lalo na pagtupad ng kanilang tungkulin.

“Ang BPATs training ay nagbibigay ng mga kaalaman at kasanayan sa ating mga force multipliers sa pagpapanatili  ng seguridad, katahimikan at kaayusan ng kanilang mga lugar,  pagresponde sa mga  emergencies, pagiging handa sa panahon ng mga kalamidad,  at pagbibigay ng serbisyo at tulong  sa kanilang mga ka barangay” pahayag ng opisyal.
Samantala, upang matiyak na may natutunan ang mga kalahok sa BPATs Training, nagbigay  ng mga situationer activity ang PNP, BFP nat LDRRMO sa mga ito upang makita ang kanilang mga kakayahan at kung angkop ba ang mga aksyon na kanilang gagawin.

Una ng inihayag ni Mayor Bataoil na bukod sa kanilang mga tungkulin, dapat alam din ng BPATs kasama na ng kanilang mga barangay officials kung paano pagtibayin ang kanilang kakayahang upang magamit nang epektibo ang kanilang pisikal na abilidad sa pagprotekta sa kanilang sarili at komunidad.(MIO_MRVinluan)

CTTO

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan