Skip to main content

MGA EKSPERTO NAGBABALA LABAN SA ANTIMICROBIAL RESISTANCE (AMR)

Pinag-iingat ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen ang publiko sa pag-inom ng antibiotic nang walang reseta ng doktor.

Ayon sa Municipal Health Office o MHO Lingayen, ang maling paggamit ng antibiotic ay posibleng magresulta sa ‘antimicrobial resistance o AMR’ na kalaunan ay pwede umanong maging isang seryosong public health problem.

Ang antimicrobial resistance (AMR) ay ang instansya kapag hindi na tumatalab ang isang gamot upang puksain ang mikrobyo o parasite na nasa katawan ng isang tao.

Nangyayari ito kapag mali o sobra sa itinakda ang pag-inom ng antibiotics.

Maituturing na delikado ang AMR dahil kapag tinamaan, ay maaari itong mailipat o maipasa sa kapwa tao ang mikrobyo pati na rin sa mga alagang hayop (person to person or between people and animals).

Payo ng LGU Lingayen, magpakonsulta at magpareseta muna sa doktor bago bumili ng antibiotics sa lisensyadong botika.

Dahil sa maling paraan ng pag-inom ng antibiotics, posible umanong sa susunod na magkaroon ito ng mas malalang sakit o infecton ay mangangailangan nang gumamit ng mas mataas na uri ng panlaban sa impeksyon.

Bukod sa tao, isang malaking hamon din sa animal sector ang pagkaroon ng antimicrobial resistance. Payo ng Municipal Agriculture Office o MAO Lingayen sa mga small time poultry farmers na huwag abusuhin ang paggamit ng antibiotics.

Maaari din kasing maipasa sa tao ang sakit mula sa hayop kapag ito ay kinatay at nakonsumo ng publiko. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan