Skip to main content

MGA EMPLEYADO NG LGU LINGAYEN AT IBA PANG VOLUNTEERS NAGTULONG SA ISANG COASTAL CLEAN UP DRIVE


Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Municipal Employees Association of Lingayen o MEAL pamamagitan ng Coastal Clean-up Drive sa bahagi ng Lingayen Baywalk at beachfront ngayong umaga ng Abril 28, 2022.

Sama-sama at tulong-tulong sa paglilinis ng dalampasigan ang mga kawani ng munisipalidad kasama ang TODA Federation, mga volunteers at ilang mga barangay officials mula sa Brgy. Poblacion, Libsong West, Pangapisan North at Maniboc.

Bago tuluyang simulan ang aktibidad, hindi nakalimutang pasalamatan ni Municipal Administrator Roberto Sylim ang lahat ng nakilahok dito.
“Salamat sa lahat ng mga nagpunta at dumalo dito sa isang napaka importanteng aktibidad na ito. Alam ninyo naman kung gaano kahalagaha ang paglilinis sa ating paligid” pahayag ng administrador.

Ipinaalala din nito ang obligasyon ng bawat isa patungkol sa pag aalaga ng kapaligiran pati na rin ang wastong pagtatapon ng basura.

“Kailangan alagaan mo yong paligid at ayusin ang pagtatapon ng basura mo kasi pag di mo inalagaan, yan ay babalik sayo. This may happen anytime lalo na sa mga lugar na bahain. Yong basura nila itinapon sa ilog o sa kung saan saan, pag bumaha, bumabalik lang din sa bahay nila” ani Sylim.

Isa ang coastal clean up, o ang paglilinis ng mga baybayin sa mga proyektong isinusulong ng LGU Lingayen upang mabawasan ang epekto ng mga pagbaha sa bayan. Nangako rin si Mayor Leopoldo N. Bataoil na ipagpapatuloy nito ang adbokasiya na pangalagaan ang yamang dagat at mapanatiling malinis ang karagatan na siya umanong pangunahing nagbibigay ng kabuhayan sa kanyang mga kababayan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan