MGA KABATAANG MAGSASAKA AT MANGINGISDA, ORAS NATIN TO!
Matagumpay ang isinagawang training at graduation ceremony ng Local Youth Development Office-Lingayen, kaisa ang Public Employment Service Office – Lingayen at ng TESDA Pangasinan Training Center, kaugnay sa Training on Organic Agriculture Production NC II mula Ika-24 hanggang Ika-28 ng Nobyembre 2025 habang kahapon,ika-3 ng Disyembre naman ang kanilang graduation ceremony.
Ang mga kalahok sa training ay binubuo ng dalawampu’t apat (24) na kabataan na magsasaka,mangingisda, out of school youths, miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), environmental advocates, at mga nagnanais na pumasok sa mundo ng sektor ng agrikultura.
Ang programang ito ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ay lubos na binibigyang atensyon at prioridad ni Mayor Josefina V. Castañeda, at ni Vice Mayor Jay Mark Kevin D. Crisostomo, na siya namang may akda ng ordinansang layunin mapalakas ang sektor ng agrikultura sa mga kabataan lalo na sa mga kabataang magsasaka at mangingisda.
Lubos ang aming pasasalamat sa TESDA Pangasinan Training Center, sa walang sawang pagsuporta sa mga programa ng lokal na pamahalaan ng Lingayen,lalong lalo na para sa mga kabataan. Gayundin, sa suporta na ibinigay ng Municipal Agriculture Office at ng Municipal Social Welfare and Development-4Ps LINK.
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1Ba6b5J3nv/



