Skip to main content

MGA MAGSASAKA SA LINGAYEN, NAKATANGGAP NG LIBRENG PALAY SEEDS

Nakatanggap ang nasa tinatayang isang libo at walong daan (1,800) na rehistradong magsasaka mula sa ibat-ibang barangay sa bayan ng Lingayen ng libreng “hybrid palay seeds.”
Ito ay proyekto ng National Rice Production Program ng Department of Agriculture (DA) na suportado naman ng lokal na pamahalaan ng Lingayen.
Personal naman na dinaluhan nina Mayor Leopoldo Bataoil at Vice Mayor Mac Dexter Malicdem ang naturang distribusyon para sa mga benepisyaryo na ginanap sa Lingayen Tricycle Terminal. Ito ay nagsimula kahapon, ika-1 ng Hunyo at nagtapos ngayong araw, ika-2 ng Hunyo,2023 na pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ng Lingayen sa pamumuno ni Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz.
Ang mga magsasakang benepisyaryo ay nahati sa dalawang(2) grupo. Sa unang araw ay mga magsasaka na nagmula sa barangay Estanza, Sabangan, Malimpuec, Bantayan, Lasip, Naguelguel, Aliwekwek, Wawa at Quibaol. Habang sa ikalawang araw naman ay mga nagmula sa barangay Rosario, Basing, Malawa, Tumbar, Talogtog, Matalava, Dulag at Namolan.
Ayon kay Mayor Bataoil, ang programang ito ay malaking tulong para sa mga kababayang magsasaka at para matiyak din ang pagkakaroon ng sapat ng supply ng bigas sa bayan bilang paghahanda sa panahon ng tag-ulan sa bansa. (MIO/JMMangapot)
📸CTTO

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan