
MGA NAIS MAGDONATE NG DUGO INAANYAYAHAN SA ISASAGAWANG BLOOD CONATION PROGRAM SA BAYAN
Isang blood letting activity ang ikakasa ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pakikipagtulungan sa Region 1 Medical Center sa darating na Miyerkules, Hunyo 8, 2022.
Inaanyayahan ang publiko na makilahok sa naturang programa na gaganapin sa Lingayen Civic Center. Magsisimula ito ng alas otso (8:00) ng umaga hanggang alas dos (2:00) ng hapon.
Ayon kay Konsehal at incoming Vice Mayor Mac Dexter Malicdem, target na makakalap ng nasa 100-150 bags ng dugo sa nasabing araw ng aktibidad kung kaya’t hinihikayat ang lahat kabilang na ang iba’t ibang grupo at organisasyon sa bayan para sa kanilang partisipasyon.
Layunin umano nito na magkaroon ng sapat na supply ng dugo na maaari namang ibigay para sa mga kababayang higit na nangangailangan nito.
Maari mag donate ng dugo ang nasa edad 18-65 years old na may bigat na hindi bababa sa 110 pounds o 50 kls at mayroong malusog na pangangatawan.
Para naman sa mga kabataan na nasa edad 16-17 taong gulang pa lamang ay dapat na magdala ng anumang katibayang nagpapatunay na ang mga ito ay pinapayagan o pinapahintulan ng kanilang mga magulang na magdonate ng dugo.
Ayon naman sa Municipal Health Office (MHO) mas mainam na fully vaccinated na ang mga magdodonate ng dugo para na rin sa kaligtasan ng lahat lalo na’t nariyan pa rin ang presensiya ng COVID-19 virus.
Bilang pasasalamat naman ay makakatanggap umano ng libreng medical kit ang mga blood donors sa naturang aktibidad.
Sa mga interesado at para na rin sa iba pang mga detalye, maaari lamang makipag-ugnayan kay Konsehal at Vice Elect Mayor Dexter Malicdem. (MIO)