MGA NOMINADO NG FJP PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST AT AKBAYAN PARTYLIST BUMISTA SA LINGAYEN
Magkasunod ang naging pagdalaw sa bayan ng Lingayen ng mga pangunahing nominee ng dalawang tumatakbong Partylist para sa May 2025 Elections.
Ika-17 ng Pebrero, 2025 nang magiliw na tinanggap ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa FPJ Panday Bayanihan 1st nominee Brian Poe Llamanzares, anak ni Sen. Grace Poe na nauna na ring nagsagawa ng motorcade sa lalawigan.
Kahapon, ika-18 ng Pebrero naman ay personal na nagcourtesy call si Atty. Chel Diokno, 1st nominee ng Akbayan Partylist sa alkalde ng bayan ng Lingayen na nag-ikot na rin sa ibang bahagi ng lalawigan kasama si Sen. Risa Hontiveros.
Parehong naglatag ng kanilang mga plano para sa bansa at sa taumbayan ang mga kinatawan na pinakinggan naman at pinasalamatan ito ni Mayor Bataoil.
Inaasahan na rin na unti-unti nang magsusunuran ang iba pang mga national candidate na magparamdam sa bayan lalo’t ang Lingayen ang capital town habang ang lalawigan naman ay itinuturing na isa sa mga rich-vote na probinsya sa bansa. (MIO)