Skip to main content

MGA PROGRAMANG PANGKALUSUGAN MAIGTING NA IPINATUTUPAD


Tuloy tuloy ang pagsasagawa ng misting and fogging operation ng Municipal Health Office sa mga barangay sa bayan na nakapagtala ng mga kaso ng Dengue ngayong taon.

Sinimulan ito sa dalawang (2) barangay na kinabibilangan ng Brgy. Tonton at Libsong East na parehong may kaso ng nasabing sakit.
Ang fogging ay isa mga prevention activities na isinasagawa ng lokal na pamahalaan upang maibaba ang kaso ng dengue victims kung hindi man ito tuluyang mapigilan.

Pinaalalahan naman ng MHO Lingayen ang publiko na maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng lamok at pagkalat ng sakit na dengue.
Sa pinakahuling datos ng naturang tanggapan, mayroong labing tatlong naitala ng Dengue cases mula sa sampung (10) barangay sa bayan.

Samantala, kasabay nito ay ang pagpapatuloy pa rin ng kanilang information dissemination kaugnay sa masamang epekto ng paninigarilyo lalo na’t ginugunita ang buwan ng Hunyo bilang “National NO Smoking Month”.

Bukod pa rito, tuloy tuloy din ang pag arangkada ng Vaccination Program upang mas mapaigting pa ang kampanya kontra COVID-19 sa bayan. Ang pagbabakuna ay ginagawa sa tatlong itinalagang vaccination sites sa bayan: Rural Health Unit 1, Rural Health Unit 2 (Domalandan Center Covered Court) at Rural Health Unit 3 (Basing Covered Court).

Maaaring magtungo sa alinmang nabanggit na lugar ang mga nais makatanggap ng kanilang bakuna. Para sa mga menor de edad, kinakailangang ipakita ang Birth certificate/Baptismal/School ID/PWD ID/ or any valid ID. Medical Certificate na pirmado ng doktor ang kinakailangang dalhin ng mga indibidwal na pasok sa kategorya ng may comorbidity.

Maaaring bisitahin ang official facebook page ng lokal na pamahalaan– Lingayen Information Office (https://www.facebook.com/lingayengov) para sa iskedyul ng bakuna at iba pang mga impormasyon.(MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan