Skip to main content

MGA SENIOR CITIZENS SUNOD NANG BABAKUNAHAN LABAN COVID-19

Nakatakdang simulan sa susunod na linggo ang vaccination roll out para sa mga senior citizens sa bayan.

Ito ay ayon sa Municipal Health Office (MHO) Lingayen.

Sa Mayo 25, 2021 inaasahang isasagawa ang pagbabakuna sa mga nasa priority group A2 (senior citizen) ng Brgy. Libsong East sa Lingayen Civic Center vaccination area.

Habang sa kasunod na araw, Mayo 26, 2021 mga senior citizen naman mula sa mga Brgy. Aliwekwek, Balangobong, Basing at Capandanan ang nakatakdang bakunahan sa Rural Health Unit II, Domalandan Center vaccination area.

Nilinaw naman ng MHO Lingayen, na ang mga nakapagparehistrong senior citizens ang priority na mabakunahan sa mga nabanggit na iskedyul.

Hinihingi ng Lokal na Pamahalaan ang pang unawa ng publiko lalo na’t limitado pa rin at hindi sapat ang mga unang batch ng bakunang dumating sa bayan.

Inaabisuhan din ang mga kababayan na makipag-ugnayan sa inyong mga barangay health centers o mga assigned barangay health workers sa inyong lugar kung nais makapagparehistro o may iba pang katanungan.

Samantala, narito ang schedule para sa mga senior citizens mula sa ibang barangay, habang ang ilang barangay ay pinapayuhang umantabay sa mga anunsyo. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan