Skip to main content

MISS GAY LINGAYEN BAGOONG FESTIVAL 2024 SCREENING, UMARANGKADA NA

MISS GAY LINGAYEN BAGOONG FESTIVAL 2024 SCREENING, UMARANGKADA NA

Nagpasiklaban sa pagrampa, pagandahan at pagsagot sa casual interview ang mga Miss Gay Lingayen Bagoong Festival 2024 aspirants noong ika-1 ng Pebrero, 2024 sa ginanap na screening bilang paghahanda sa nalalapit na selebrasyon ng Bagoong Festival sa darating na Marso.

Pinamunuan ng lokal na pamahalaan ng Lingayen katuwang ang Lingayen Gay Association (LIGAYA) ang pagpili sa mga magiging opisyal na kandidata.

Ibinahagi ng bawat aspirants ang kani-kanilang adbokasiya at kwento ng buhay bilang miyembro ng LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual plus) community na siyang naging pagkakataon upang mas makilala sila ng selection committee.

Naging masaya, makulay, at makabuluhan ang nasabing aktibidad dahil napag-usapan din ang napapanahong isyu tulad ng Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill at Same-Sex Marriage.

Abangan ang pasiklaban ng kagandahan at katalinuhan ng dalawampu’t-apat na opisyal na kandidata sa darating na ika-29 ng Pebrero 2024 para sa kanila Pre-Pageant Night at ika-14 ng Marso 2024 naman ang Grand Coronation Night.

Isa lamang ang Miss Gay Lingayen Bagoong Festival sa inihandang aktibidad para sa Lingayen Bagoong Festival 2024. (MIO/PBayog)

📸MIO/JMMangapot/RCSoriano

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan