
MOBILE BOAT REGISTRATION CARAVAN GINANAP, MGA MAGPAPAREHISTRO PATULOY NA TINATANGGAP NG MAO
Umapela ngayon ang Lokal na Pamahalaan ng Lingayen katuwang ang Municipal Agriculture Office sa mga mangingisda sa bayan na iparehistro ang kanilang fishing vessel o ang mga bangkang pangisda.
Ayon kay Municipal Agriculturist Dr. Rodolfo Dela Cruz, importante ang pagpaparehistro ng mga sasakyang pandagat lalo na kung ito ay ginagamit na pangkabuhayan.
Layon din ng naturang tanggapan na gawing legal ang operasyon ng lahat ng mga bangka sa bayan.
Bagamat inamin ng opisyal na kung minsan ay hindi maiiwasan na may mga bangkang hindi rehistrado, binigyang diin nito na mas malaki ang pananagutan ng may-ari nito kung sakali mang magkaroon ng aksidente sa karagatan.
Para sa mga nais magparehistro, mangyari lamang umanong magtungo sa opisina ng MAO at dalhin ang mga sumusunod na requirements:
-Endorsement letter mula sa Barangay o Barangay Clearance
-Cedula
-2pcs 1×1 picture
-ownership certificate
-picture ng bangka at
-P800.00 registration fee
Magtatagal ang nasabing registration hanggang Marso 2021. (MIO)