Modified LTOPF and Firearms Registration One-Stop Shop: Bringing Convenient and Accessible Services Closer to the Community
Ipinagbibigay-alam sa publiko na magkakaroon ng Modified One-Stop Shop para sa License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at Firearms Registration (FR) sa darating na August 12 hanggang 13, 2026, na gaganapin sa Dela Cruz Auditorium.
Ang programang ito ay bukas para sa mga nais kumuha ng bagong lisensya, mag-renew ng kanilang LTOPF, at mag-asikaso ng pagpaparehistro o paglilipat ng pagmamay-ari ng baril. Layunin ng caravan na mapadali ang proseso sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang kaugnay na serbisyo sa iisang lugar, kabilang ang Neuro-Psychiatric Test, Drug Test, at Gun Safety Seminar.
Mga Paalala:
Pre-Registration:
Mahigpit na pinapayuhan ang mga aplikante na makipag-ugnayan nang maaga upang matiyak ang maayos na proseso ng kanilang transaksyon. Maaaring bumisita sa Lingayen Police Station o tumawag sa kanilang hotline na 0998-598-5109 para sa karagdagang impormasyon.
Requirements:
Mangyaring tingnan ang mga kalakip na larawan para sa kumpletong listahan ng mga kinakailangang dokumento depende sa uri ng inyong transaksyon.
Para sa Neuro-Psychiatric Exam:
Huwag kalimutang magdala ng ballpen at dalawang (2) piraso ng 2×2 larawan na may white background at nametag.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong ilapit ang mahahalagang serbisyo sa mga mamamayan at mapadali ang mga proseso para sa ligtas, maayos, at responsableng pagmamay-ari at pagpaparehistro ng baril.
#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1BvbgvfBef/
